Wednesday, June 17, 2009


PANAGINIP..

Hindi ko inaasahan na mapapaginipan ko ang isang tao na naging parte ng buhay ko. Isang napakagandang panaginip na parang makatotohanan. Hindi ko maintindihan bakit madalas ko pa nakikita ang taong ito sa panaginip ko... Oo na ex-boyfriend ko ang napanaginipan ko, at ito ang lalaking iniyakan ko ng sobra na matagal bago ko nakalimutan. Tapos na ang lahat sa amin, pero bakit sa panaginip ko parang gusto nya maayos pa kami at nagmamakaawa pa din na mabigyan ko pa ng isa pang pagkakataon. Pangit at hindi maayos ang paghihiwalay namin, at yan ang totoo. Wala na din ako plano na bumalik sa kanya kasi meron na akong ibang mahal. Hay buhay..
Ngayon tinatanong ko ang sarili ko, "bakit?" bakit kailangan nya magpakita sa akin sa panaginip ko at kausapin ako tungkol sa mga nakaraan. Masaya na ako. Minsan tuloy naiisip ko na baka isang araw balikan nya ako dito sa Pilipinas para kausapin ako, ngayon ang tanong ko sa sarili ko, matitiis ko ba na hindi ko sya kausapin at makita? Well, kung makikipagkita naman ako sa kanya sakaling bumalik sya dito o magbakasyon ng Pilipinas, makikipag usap lang ako at hanggan doon lang. Pero ang tanong ko, hanggang usap lang ba talaga? Gossssh!! Ang hirap. Pakiusap Cocoy, huwag ka ng babalik please.. Ayoko saktan si Butch.. Kasi hindi ko din masasabi kung ano ang pwede mangyari sakaling magkita tayo at magkausap tayo. Gusto na kitang kalimutan pero bakit bumabalik ka pa! please.. tama na! Ano ba ang ibig ipahiwatig ng pagpapakita mo sa mga panaginip ko. Bakit ikaw ang madalas ko makita sa panaginip ko at hindi si BUTCH? enough..... please...




Friday, June 12, 2009

MABIGAT NA PAKIRAMDAM

Ngayon ay 12th ng June, at ito ang ika-walong buwan namin na paglolokohan ng irog ko. Hay buhay.. parang napaka dry lang ng araw na 'to. Syempre may konting hindi pagkakaunawaan nanaman kami ng irog ko kaninang madaling araw. Sino ba naman kasi hindi maiinis, tama ba naman na hindi ka batiin. Nagpaparamdam na nga ako pero wala lang, wala syang nararamdaman. Bakit ganyan ang mga lalake? Kainis!

Well, kaninang tanghali na surprise naman ako sa irog ko, kasi nilinis nya ang kotse ko tapos at naka wax pa ha! Pero sa totoo lang, pakiramdam ko mabigat ang loob sakin ng mga tao sa bahay ng irog ko. Hindi ko alam kung bakit pero marunong naman ako makiramdam. Ayoko tumalon sa susunod na conclussion, pero yun ang pakiramdam ko! Hay, doon kasi muna sa bahay ng irog ko naka "park" ang kotse ko. Kasi gusto din ng irog ko para maasikaso nya kotse ko. Tamad kasi ako maglinis ng kotse, saka gusto ko nagpapa car wash talaga para tipid sa tubig at hindi pa ako pagod.

Pakiramdam ko talaga mabigat talaga ang loob sakin ng mga tao sa kanila. Hindi ko kilala ang mga tao sa kanila, yan ang totoo dahil hindi naman ako pinapapasok ng irog ko sa loob ng bahay nila. At pakiramdam ko hindi ako welcome dun, ayos lang yun, pero deep in inside, nasasaktan ako. Tumatahimik na lang ako, para hindi na lang kami mag away o magkaroon ng di pagkakaunawaan. Oo na martir na ako! Lagi naman ganun ang papel ko sa mundo. Kulang na lang barilin ako at ipagpapatayo ng sarili kong rebulto. Kailan kaya ako liligaya. Gusto ko ng maging masaya talaga yung hindi na ako mag iisip ng kung ano-ano na negatives. Ang sarap siguro kung 100% na masaya ka na. Sana mangyari yun sakin.

Friday, June 5, 2009

nakakapagod! nakakapagod na talaga!!

Hay ang buhay nga naman..
Dumating na ba sa inyo yung pakiramdam na napapagod ka na. Yung tipong pagod ka na kasi paulit-ulit lang ang nangyayari sa pang araw-araw ninyo? Nakakasawa na din diba? Pero minsan kahit napapagod ka na, at nagsasawa ka na, wala kang choice kundi ang huwag bumitiw, kasi alam mo sa sarili mo na mahalaga ang kinakapagod mo.