Monday, May 25, 2009

HINDI MARUNONG MAKARAMDAM, IN SHORT MANHID!

Minsan nagbiro ako sa KANYA (hindi ko nasasabihin kung sino ang tinutukoy ko), kung baga yung biro ko may laman at alam ko mararamdaman nya. Pero napansin ko "lately" parang hindi tumatalab ang mga biro ko at hindi pa rin nya nararamdaman ang gusto ko ipahiwatig. Nakakalungkot kasi kahit anong gawin ko na biro na may laman, at paramdam WALA talaga ako mapapala. Ang hirap diba? Nakakasakit din ng damdamin pero hinahayaan ko na lang, sanay naman ako mag tiis. Kulang na nga lang ipako ako dahil "martir" ako at kahit kailan ay MANHID SYA! Kawawa naman ako kasi ako lahat ng ginusto nya ginawa ko ang simpleng hiling ko lang napakasimple, hindi nya magawa. Kahit isang beses lang na mangyari ang hiling ako, ako na ang tatanghaling pinakamasayang babae sa balat ng earth! Pero malabo, kasi nga MANHID!!!!

Wednesday, May 20, 2009



ANG TANONG MALIGAYA BA TALAGA?

Kahapon ang aking kaarawan, nairaos naman ng konting salo-salo. At ang aking namumukud tanging bisita ay si Irog lang.

Gabi ng May 18, may pasok ako at si Irog sa opisina. At ng pumatak na ang alas 12 ng hating gabi, habang may kausap ako na kliyente sa telepono sa opisina, may iniabot na isang maliit na mensahe na nakasulat sa papel si Irog. At hulaan ninyo kung ano ang nakasulat? "HAPPY BITHDAY!" na "touched" ako kasi akala ko nakalimutan na nya. At syempre pagkatapos ng oras ng trabaho bandang alas 6 ng umaga, binati ulit nya ako ng "happy birthday" at dahil nga meron akong dalang sasakyan nung pumasok ako sa opisina noong MAY 18 ng gabi, at kinabukasan ng umaga ay MAY 19 na, syempre hindi pwede mawala ang birthday litrato gamit ang aming mga cellphone. At syempre din, pagdating namin ni Irog bahay namin, nag almusal kami ng kanin, at syempre hindi pwede mawala ang kape! Pagkatapos kumain ng agahan, umakyat kami ni Irog sa "garden deck" ng bahay namin at nagyosi kami pareho.

OOPPS!

Dahil nga sa bday ko ngayon, syempre dapat may bday kisses! wow ang sweet diba? At kung tatanungin ako ngayon, kung masaya ako. Isa lang ang isasagot ko. MASAYANG MASAYA at talaga namang masasabi ko na kontento na ako kung ano ang meron ako ngayon. Eto ang kasayahan ko sa buhay ko na hindi mabibili ng pera. Yung tipong makasama mo lang ang importanteng tao sa buhay mo eh masayang masaya na!

At kagabi habang naglalakad kami ni Irog sa labas ng subdivision namin, ang sabi nya sa akin, sigurado na daw sya na ako daw ang papakasalan nya. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Pero kung talagang kami ang ginawa ni God na gawing isa, kami talaga, ayoko manguna o pangunahan si God. Basta ngayon, isa lang masasabi ko, masaya ako at meron akong minamahal na alam ko na mahal din nya ako. Yun lang.

Monday, May 18, 2009

MALIGAYANG KAARAWAN PARA SA AKIN!

Nakakainis! Akalain ninyo yun parang kailan lang 26 lang ako, at mamaya pagsapit ng alas dose ng gabi, 27 na ako! Parang ayokong tumanda, padagdag ng padagdag ang edad ko, konti na lang mawawala na ako sa kalendaryo.

At dahil nga sa kaarawan ko mamayang alas dose, malabo ako makapag handa ng munting salo-salo kasama ang aking mga "old friends" na matagal ko ng hindi nakikita dahil nga may trabaho ako mamayang 8:00 ng gabi hanggang 5:00AM. Badtrip diba? At dahil nga sa kaarawan ko mamaya, makakasama ko si Irog. Dahil pareho na kami ng oras ng trabaho at pareho pa kami ng TEAM at TEAM LEADER. Ang saya diba?

Kagabi magkasama ulit kami ni Irog, nagkaroon ng munting salo-salo, alak at munting pagkain sa hapunan lang ang drama! Pero masaya na din, kasi kahit paano naidaos namin ng masaya at medyo nalasing na din ng konti. Ayos na yun. At higit sa lahat wala ng sasaya at gaganda pa na regalo kapag kasama mo na ang pinaka importanteng tao sa buhay mo. Hindi ko din naman kailangan ng magarbong regalo, isa lang ang gusto ko at hiling ko sa kaarawan ko, ang maging masaya at maging kontento kung ano ang meron ako. Simple lang ako na tao, mababaw ang kaligayahan, ang kaligayahan ko kasi ay hindi mabibili. Hay... Nakakapagod nanaman ang drama ko mamaya sa opisina. Sana maging "productive" ako mamaya sa TEAM ko. At sana marami ako ma "closed" na appointments sa mga clients na tatawagan ko. Para bongga! Kahit yun na lang ang regalo ni God sa akin. Please God help me out na makarami ako ng appointments mamaya. Hehehe..

HAPPY BIRTHDAY ULIT SA AKIN!!

Sunday, May 17, 2009

Wala pa akong tulog! Hay... Nakakapagod ang graveyard shift. Pero ayos lang, masaya naman ang TEAM namin kasi naka 10 ang team namin na appointment sa hawak namin na account ngayon. At syempre, masaya din ako kasi sa hindi inaasahan na pagkakataon naging magka TEAM pa kami Irog ko. AHA! eto yata ang unang nangyari sa buhay ko na meron ako na officemate na Irog ko at naging magka team pa kami sa isang CAMPAIGN! Ang saya!

Kahapon birthday ni Irog. Ayun syempre hindi ako invited. Hay, sino kaya sa mga naging IROG ko ang mag iinvite sa akin sa araw ng mismong KAARAWAN nila? Mukhang malabo yata mangyari kasi, wala ni sino man sa mga naging ex-irog ko ang nag invite sa akin. Kakahiya diba? Parang hindi nila ako IROG.


Kanina, pag uwi namin ni Irog galing sa opisina, naglakad nalang kami papasok ng subdivision at noong malapit na kami sa mga bahay namin, nakasalubong namin ang anak ni Irog sa pagkabinata kasama ang nanay ng ex-asawa nya. Alam mo nyo yung pakiramdam ng babae na halos wala nalang maiharap na mukha, na tipong naka tungo nalang. Nanliit ang tingin ko sa sarili ko. Alam ko kayong mga babae, alam ninyo ang nararamdam ko, mahirap ipaliwanag pero sa totoo lang ako ang nahiya sa sarili ko na walang mukha na maiharap. Parang ganito lang yan ka simple, "pumatol ako sa may anak sa pagkabinata, at latak na lang ang natira sa akin, na parang desperada na ako makahanap ng lalake at kay Irog pa ako umibig na hindi ko alam at maintindihan hanggang ngayon kung ano ako sa kanya. Ang hirap! hirap! hirap!! Kung minsan iniiyak ko na lang ang nararamdaman ko at madalas mangyari yan, hindi ko na lang sinasabi kay Irog kasi alam ko hindi din nya maiintindihan ang nararamdaman ko, lalake sya at babae ako. Magkaiba ang takbo ng isip namin.




Saturday, May 16, 2009



Muli akong nagbabalik para muling maglahad ng isang makatotohanan na kwento sa aking buhay pag-ibig.

Masayang masaya ako kanina bandang alas 2:00 ng umaga habang nasa opisina dahil alam ko paglabas ko ng opisina makikita ko ang aking irog. At para may konting kilig na drama, gumawa ako ng isang sulat na maigsi para kay irog. Isang sulat na may mensahe na "Maligayang Kaarawan, Irog". Masaya ako habang aking sinusulat ang hindi kamahalang surprise. Ngunit, sawi ako na maiabot ang surprise, bakit? Kasi hindi sya pumasok sa oras ng trabaho nya na kung tawagin sa call center ay "morning shift". Paglabas ko ng opisina, dali-dali ako nilabas ang telepono ako nag text ako, "bakit hindi ka pumasok?", sumagot si irog "kakagising ko lang kasi, masama pakiramdam ko". Hay.. nakakalungkot lang dahil hindi ko naiabot ang munting surprise.

At sa aking pag-uwi, nagmensahe ulit ako kay Irog na pauwi na ako. Biniro ko si Irog ng "pa kape naman sa inyo". At syempre hindi sya nagreply sa text ko na yun, nagpaka NO REACTION lang siya. Bigla akong nalungkot. Kasi nakasakay ako kanina sa jeepney nung tinext ko sa kanya na magpakape sya, lumagpas pa ang jeep na sinasakyan ko at sumakay ulit ako ng isa pang jeepney dahil nawala sa isip ko na bababa na pala ako sa kanto. At dahil nga sa NO Reaction si Irog sa aking text na magpa kape sya. Pakiramdam ko babaha na ng luha ang dinadaanan ko at ang awra ng aking mukha ay biglang nalungkot. At dahil nga sa nalungkot ako, na parang babaha na ng luha, naisipan ko na lakarin ko na lang mula kanto ng subdivision namin hanggang sa bahay namin. Hindi ninyo naitatanong, magkapit-bahay lang kami ni Irog. Habang naglalakad ako, aking i-tinext si Irog sa muling pagkakataon, sinabi ko sa kanya na "talagang ganun, hindi ako yung ex-irog nya na welcome bumisita sa kanila". Biniro ko pa sya sa text na "talagang ganun yata talaga, hindi kasi ako si Marinel at Lulu" na mga ex nya na anytime nakakadalaw sa kanya. Masakit sa akin kung masakit. Kasi parang napaka unfair. Hindi naman sa naghahanap ako ng kapalit sa mga nagagawa ko sa kanya. Ang sa akin lang ay nasasaktan ako. Kasi si Irog, welcome sya pumunta sa bahay namin, anytime maari nya gawin yun. Naisasama ko pa sya sa mga okasyon at naiimbihan ko pa sya kung meron salo-salo ang buong pamilya ko. Ginagawa ko yun kasi kampante ako sa kanya. Hindi ko lang alam kung kampante din sya sa akin. Minsan nga naiisip ko parang na one way yata ako ni Irog. Kasi napaka unfair nya. Madalas nga sabihin sakin ng isa sa mga malapit namin na kaibigan na TANGA daw ako. Madalas pa sabihin sakin ni Irog na ako daw ang unfair. Kasi ang mga ex ko pwede dito sa amin, wala naman ako nakita na pagkakaiba ng trato kay Irog at sa naging ex ko kasi malaya naman si Irog na mag stay sa bahay namin ANYTIME!.

Hindi ninyo din naitatanong na si Irog ay may "anak" sa pagkabinata. At ang anak nya ay kapitbahay lang din namin, at syempre ang ex wife nya kapitbahay ko lang din. Hindi sila kasal ng ex wife at may asawa na din na iba yung ex wife nya at meron na din isa pang anak. Sa totoo lang nahihiya ako sa sarili ko sa tuwing dumadaan at nadadaanan ko ang bahay ng ex-wife ni Irog. Pakiramdam ko nanliit ako sa sarili ko kasi pumatol ako sa may sabit. Sa akin wala lang yun, tanggap ko kung ano ang nakaraan ni Irog. Ganun naman talaga diba? Lalo na kapag umiibig. At dahil nga sa umiibig ako at minahal ko na din nakaraan ni Irog, lalo na ang anak nya na sobrang mahal na mahal nya. Napag isipan ko na ang anak na lang nya na si Phoebe ang beneficiary ko sa aking Life Insurance. Bakit ko naisip yun? Kasi minsang muntik ako mabuntis, sinabi sa akin ni Irog na "mas mabuti kung wag na lang muna" gusto nya na ipalaglag ko. Kung ako masusunod ayoko, ayoko kasi ayoko pumatay ng tao. At kung gagawin ko yun, habang buhay ko dadalhin na pinatay ko ang sarili kong anak na wala naman kasalanan. Sinabi ko din kay Irog na alam ko mahal na mahal nya ang anak nya, okay na din sa akin na mawala baby ko nung panahon na akala ko buntis ako. Sinabi ko din kay Irog na handa naman ako maging second mother ng anak nya.

Madalas ako umiiyak. Umiiyak kasi alam ko at nararamdaman ko sa sarili ko na hindi din magtatagal, mas lalo pa ako sasaktan ni Irog. Nararamdaman ko din kasi na hindi ako ang iniibig nya. Alam ko meron syang ibang iniibig sa nakaraan nya. Tanggap ko yun! Pero masakit, at nagpapakamartir ako kasi nga TANGA ako at NAGMAMAHAL lang ako.

Alam ko medyo naguluhan kayo sa kwento ko. Pero eto ang buhay ko. MAGULO.. BIGO..NASASAKTAN.. at NAGTATANGA-TANGAHAN. Pero mahal ko sya. At sya lang ang lalake na pinaglaban ko sa pamilya ko.

Saturday, May 2, 2009

matatagal tagal din ang huling post ko dito sa blog ko. medyo nagkaroon kasi ng problema. isang problema sa pamilya na hindi na kinakailangan pa na banggitin dito sa blog.

-o-

hay, malapit na pala ang ika-pitong buwan namin ng aking irog. at magaganap ang ika-pitong buwan sa mayo dose! aba! matatagal tagal na din pala. akalain nyo yun umabot ng pitong buwan. pitong buwan na puno ng pagdudurusa at kahit pagdurusa hindi na namin iniisip yun basta ang alam namin kung ano ang halaga ng namin sa isa't-isa.

ito pala ang kauna-unahang post ko na nagbanggit ako ng tungkol sa totoong irog ko. hindi ako masyado nagbabanggit ng tungkol sa kanya kasi baka sa isang saglit, hiwalay na. mahirap na! pero sige tutal nasimulan ko na, mag susulat na ako ng tungkol sa kanya. at ngayon bumalik na ulit ako sa mundo ng blogging, itutuloy ko na ulit ito.

totoo ang kasabihan na kapag ikaw iibig, hindi mo hahangarin ang kahit ano. kahit ano pa ang estado ng buhay ng irog mo tatanggapin mo sya at mamahalin mo. ganyan ang nangyari sa akin. ayaw ng aking mahal na ina sa kanya at syempre ayaw din ng mga kapatid ko sa kanya, pero pilit ko pa din pinagtatanggol ang irog ko, kasi nga umiibig ako. pero ang isang tanong ko sa sarili ko, magagawa rin kaya ng irog ko ang mga ginawa ko?

madalas kasi iniisip ko ang pag iibigan namin ay parang isang daan lang na parang lansangan. at hindi pang dalawahan. sa ingles.. "one-way" lang. mahirap diba? pero syempre umaasa ako na hindi nga ganun. at sana nasa isip ko lang yun. pero sabi ng nakararami ang paghihinala ng mga babae ay totoo. pero nagdadasal ako na sana hindi at mali ako.


p.s.
(bibitin ko muna kayo.. may gagawin muna ako..)
itutuloy ko ang blog na ito mamaya!

-0-

at dahil naudlot ang aking pagsusulat tungkol sa aking irunog noong nakaraang araw, eto itutuloy ko na.

eto ang aking mga nagustuhan sa irong ko:
1. masarap magluto! kahit ano ang ipaluto mo na pagkain, sisiw sa kanya!
2. naglalaba sya ng mga damit ko!
3. sobrang bait
4. cute
5. magaling na singer
6. magaling mag gitara