Tuesday, July 15, 2008


Ano ba ang nagpapalakad sa buhay natin araw-araw?
Paano tayo kumakain?
Paano tayo nagkakakuryente, tubig, internet?

Ang lahat ng iyan ay dahil sa "salapi" kung wala ang salapi wala tayo lahat nito. Sabihin ninyo na na mukha akong pera, pero sa totoo lang kung wala tayong salapi, kwarta, anda (sa salitang bading), o mas kilala sa tawag na pera, hindi tayo mabubuhay.

Nakakainis at nakakasawa ng manood ng balita sa telebisyon, lalo na kung ang topic ay tungkol sa pagtaas ng mga bilihin, kawawa talaga tayong mamayang Filipino diba? Ang gasolina, sobrang mahal! Hindi na healthy ang PILIPINAS!!! Puro na lang kurakot! Kurakot dito, kurakot doon.. Pati ang simpleng POST OFFICE dito sa bayan ko, kinukurakutan pa ako. Nakakainis. Lalo na last week. Nang magpunta ako ng post office para bayaran ang tax dun sa package na pinadala sa akin, letche talaga! ang mahal ng siningil sa akin na tax eh naka declared naman dun sa package na "regalo" yun, and take note 2nd hand pa yung regalo na yun ha! Ang kapal kapal pa ng mukha ng mga tao sa post office, nanginginig pa mga kamay nila noong naglabas ako ng pera para bayaran ko ang tax, at take note ha! tumatawad ako, ayaw babaan ang singil nila sa akin. Ayaw nila bawasan yung tax kasi daw "lugi" daw sila. Ang kapal talaga ng mukha. At sila pa ang matapang! mga bastos pa. Kaya naman ang Lola Pipita ninyo hindi pumayag na taray-tarayan lang, aba syempre! ako papayag? HELL NO! Nang lapitan ako ng isang staff sa post office, tama ba naman na pagtaasan ako ng boses at pandilatan ako ng mga mata. Ang kapal ng mukha diba? At ang panabog kong mga salita at eksena eto: (alam nyo yan eksenadora ako)

Staff: (nanlalaki ang mata ng lumapit sa akin at ang boses galit) anong problema

Pipita: kukunin ko po yung parcel

Staff: (pinandilatan na ako ng mata at galit pa ang boses nya sa akin) anong pangalan

Pipita: Pipita y Dalaga po.

Staff: bakit hindi Pipita y Dalaga ang pangalan na nandito sa package? Pitay Dalaga ang nakalagay dito?

Pipita: at bakit mo ako pinandidilatan ng mga mata? kakainin mo ba ako?

Staff: ma'am hindi po, sorry po. hindi po ako sa inyo nakatingin ng masama

Pipita: bakit parang galit ka?

Staff: hindi po ma'am, dun po ako nagtataas ng boses sa kasama ko hindi po sa inyo.

Pipita: eto yung drivers license ko, nandyan nakalagay yung complete address ko at fullname ko. hindi ko kasi nadala yung notice card na pinadala nyo kasi ningat-ngat ng aso namin. saka ang babastos nyo, hindi kayo marunong gumalang.

Pipita: (pabulong kong sinabi sa sarili ko) tigas ng mga mukha nyo!

At ang ending hindi pa din ako naka discount sa tax. Kahit nagtaray ako. Bwiset talaga! Nagsuot na ako ng pangmahirap na damit, taena! wa-effect pa din! ayaw talaga. At ng makuha ko na ang package ko, agad kong binuksan ang package sa mga pagmumukha nila dahil gusto ko makita kung may damage ang item ko. Nag alalala kasi ako kasi baka nabasag yung items (lense ng camera at isang camera na CANON na delikado din ibagsak kasi baka malfunction) kitang-kita ko din kung paano barubalin ng mga tao sa post office ang lahat ng package sa kanilang opisina. Kapal ng mukha diba? Tapon dito tapon doon, na parang ginagawa lang na bola ang mga kahon na kanilang mahawakan. Kung may charge lang sana cellphone ko nun araw na yun, malamang na video ko pa ang mga pinag-gagawa nila, at bingo sila kapag nireklamo ko sila. Mataray talaga ako, at kapag may hindi ako nakitang maayos at tinatarayan ako, bingo ka sakin! Dahil tatalak din ng bonggang-bongga ang Lola Pipita ninyo.

Okay mabalik tayo sa salapi.. Nabanggit ko kanina na hindi na maganda ang takbo ng lahat ng mga nangyayari dito sa Pinas. Una sa lahat, alam ko din na alam ninyo na hindi sapat at talagang kulang ang sweldo ng lahat ng mamayang Pinoy na nagta-trabaho dito sa ating bansa. At sa tuwing sahod naman, lahat ng pinaghirapan ng kawawang Pinoy eh napupunta lang sa mga bayarin sa Kuryente, tubig, renta ng bahay (sa mga nangungupahan), pambili ng pagkain, petroleum gas (para sa kalan). Sa totoo lang kulang na kulang ang sahod at ngayon naman nagtaas na ng presyo sa pamasahe ang mga jeep, bus, taxi, MRT, LRT atbp.. At kung mabisyo ka pa, isama mo na din ang pangyosi mo, pang droga mo, pang inom mo, pang chicks mo o panlalake mo sa iyong salary na kung tawagin eh (misc. kung nung nag-aaral ka pa), kulang diba? At kung nagbabayad ka pa ng SSS, philheath, wala ng matitira. Makakaipon ba tayo ng pera para makaangat? Sa tingin ko napakalabo na. Kawawa naman talaga tayong mga Pinoy.

Sa totoo lang mayaman na sana ang bansang Pinas kung kakaunti lang ang mga nagpapalakad sa ating bansa (kagaya ng nabanggit ko sa nakaraang journal ko), pero grabe kung lumustay ng pera ang bansang Pinas lalo na ang ating Gobyernong bulok! Yang mga punyetang meeting-meeting keme ng mga senador na yan, eh malamang tayo din na mga Pinoy ang nagbabayad nun, pati ang mga magagara nilang mga sasakyan lahat yun pera ng mga mamayang pinoy. At ang "tax" kuno sa gasolina, pinaghahati-hatiian lang nila yan. Ewan ko pa bakit sobra ang kurakot dito sa Pinas. Sa Singapore naman, mataas ang tax pero maunlad ang kanilang bansa, sana ganun din dito sa Pinas. Pwede naman yun diba? Yung meron tayong makikita na magandang pagbabago! kaso wala!, meron nga mga pagbabago, dagdag sila ng dagdag ng mga kung anik-anik sa kalsada kagaya ng mga skyway chuva-chuva na yan, pero inuutang din naman nila. Grabe na talaga! Hay.. Ayoko na dito sa Pinas.. nakakainis. Pero mahal ko ang Pinas. How i wish matigil na ang kurakot, as in.. hmm..

KURAKOT = HAKOT (ABA! MAGKATUNOG NA MAGKATUNOG.. ) eh kung samahan ko pa kaya ng ganito:

KURAKOT + HAKOT = KURHALITIKA (KURAKOT HAKOT POLITIKA) napansin ninyo pula ang nilagay kong kulay sa font? dahil ang ibig sabihin niya eh galit ako. totoong galit ako kasi wala ng natitira sa na pera para sa akin buwan-buwan!!!

tumawa na ang gustong tumawa sa ginawa kong conclussion o theory! walang pakialamanan, eto lang ang aking opinyon o ginawang pormula sa mga napapanood ko telebisyon. saka karapatan ko din ang magsalita o ilabas ang aking saloobin. MABUHAY SI PIPITA!!! (LOL)

Naiinis talaga ako kasi.. Hindi ko na din alam kung saan napupunta ang lahat ng pera ko. Kung sa mga grocery bills ba, service charges, o taxes? Malamang sa KURHALITA GANG. Bwiset talaga!! Tapos ngayon, ako na magbabayad ng internet bills, starting next month (pagdating ng bagong bill ngayon) Bwisssssset!!! Ako na nga sa groceries, minsan ako na nga din nagbibigay ng pera sa mga "vatugans" kong mga kafatid.. hay. letch talaga. Eh sobrang mga antipatika pa naman mga kapatid ko, mga maldita.. sobra! mababait lang kapag may mga kailangan, at kahit kailan hindi pa marunong mga gumalang, knowing na ako ang panganay tapos minumura ka pa. Pero ganun talaga ang buhay.

Teka, mabalik tayo sa pera, sweldo, etc.. Kung ako na ang magbabayad ng internet bills, groceries. Paano ko pa maayos ang plano kong business kung ganun ang mangyayari. Sino hindi maiinis, divah? WALA NA TALAGANG NAPUPUNTAHAN ANG PERA NGAYON DITO SA PINAS. KULANG NA KULANG NA TALAGA....

At ang gasolina, taena!! nakakagigil talaga. Kung talagang nalulugi ang mga BWAKA NG FROG NA MGA OIL COMPANIES na yan, edi magsara sila. One time lang! Try lang naman. Saka dapat wala ng tax yang punyetang gasolina na yan. Kasi obvious naman na ang daming mga motorista ang ng gasolina sa mga oil companies na yan. Wish ko lang mawala ang inis ko ngayong araw na ito. Basta sa araw at gabing ito, masama ang loob ko! sobrang sama!!!!!

ANG PERA NI PIPITA, NAPUPUNTA SA WALA.. HOW I WISH WALA NG VICE PRESIDENT, SECRETARY, AT MASYADONG MARAMING SENADOR!!

Eto ang aking listahan kung ako ang mamumuno ng Pilipinas:

  • Isang Presidente ng Pinas
  • Isang Mamumuno sa Luzon
  • Isang Mamumuno sa Visayas
  • Isang Mamumuno sa Mindanao
  • Tama na ang 5 senador

Kaya dapat.. VOTE PIPITA for President!!! (keme lang.. nagpapatawa lang ako ng corny para mawala ang badtrip ko) Pero promise.. badtrip talaga ako... nakakainis....... nakakasawa na.

pahabol:

PARA SA MGA NAKA UPO AT MGA NAMUMUNO SA PINAS, MAKINIG KAYO!

MAKARMA SANA KAYO!

MAY ARAW DIN KAYO KAY PIPITA!!!

Wednesday, July 9, 2008

pipita's ceasar salad
Ang sarap ng ceasar salad ko! Yummy!! Malinamnam... Eto na din ang aking dinner.Wow! diet ang lola mo ngayon! Well, kaninang tanghali gomora ang Lola Pipita mo kasama ang kapitbahay na isa ko na din na friend sa PureGold para mag grocery, at syempre since sinabi ko sa sarili ko na bibili ako ang pang salad this week, hindi na ako nagdalawang isip na bilihin ang mga sangkap sa Salad!! Buy kung buy!! hehehe.. At take note mga baklush... Kakagawa ko lang mga 5 mins ago ng salad (as in ngayon-ngayon lang).. at hala naubos ko kaagad!! Ang takaw ko talaga, well atleast natuwa naman ako kasi hindi kanin ang at ulam ang dinner ko, SALAD! Alam nyo yan!!

Sa totoo lang mahilig talaga ako sa kanin at ulam, pero since sinabi ng isa kong kaibigan na si Jerome na sobrang mga "carbs" ang mga paborito ng lola ninyo, susubukan kong huwag kumain ng kanin sa dinner. Subok lang ha, kasi alam ko naman na malabo mangyari na puro dahon ang kakainin ko. Hindi kasi ako nag-aalala sa health ko, kagaya ni Jerome na super mahal nya ang health nya, lalo na ang katawan as in! Ako pa naman kapag may nakalatag na mga lafong sa harapan ng lola nyo, naku lafong kung lafong akei! lamon!! Ganun ako katakaw pero hindi ako tumataba, puro mukha lang ang tumataba sa akin. Hay naku dapat na talaga ako mag diet! para pagdating ng September this year, eh slim na ulit ako. Para makapag suot na ulit ako 2pc bikini! Parang ganito..

"WALANG NAG RE-REACT HA! DAHIL ANG MAG RE-REACT SA KATAWAN KO "TUTUBUAN NG "NANA" SA NOO!" alam ko hindi nyo bet yun. dahil kadiri. hehehe

At bakit ko ba kailangan na mag 2pc bikini? Natural!! Ang Lola nyo go-gow ulit ng Boracay. At Kailan? September po mga kabang! AT DAPAT SLIM AKO. Well, alangan naman mag suot ang lola nyo ng PJM (pajama) sa islang napakagandang isla, syempre "wit-ti-ri-rit Querobin!" (sa salitang normal, ibig sabihin ayoko o hindi) Mahirap ng mabansangang Loser sa boracay noh. Kaya dapat maayos ako at slim ako sa dadarating na septemeber.
Oo nga pala mga kabagang. Malapit ko na i-post dito ang aking OBRA! Nais ko sana na ipakita sa inyo ang aking talento sa Potograpiya. Basta ilalagay ko na lang dito ang mga obra ng lola nyo ha. At kayo na sana ang humusga. So paano na mga kabang, magpapaalam na muna ang Lola ninyo ha, dahil nirarayuma na ako. KEME!! Jukas na lang ulit. Ba-bush!!

Saturday, July 5, 2008

KAGABI

(sana walang kokontra! o walang mag re-react! hahaha.. trip-trip lang ng isang naaadik ito. kayo kaya ang lumugar sa aking sapatos na hindi makatulog dahil kaadikan sa kape. Oo alam ko masama ang sobrang kape kasi ultimo ang nanahimik na si Kristine Hermosa, binaboy ko, at ang lakas loob kong pinaghalo ang mga mukha namin. Pero okay naman ang kinalabasan diba? Bongga!

sumpa: ang sumpa sa mga taong kokontra, mababaog! keme! hehehe

ANG AKING REAKSYON: Sa totoo lang yung hugis ng mga mata akin yan! at ang matabang mukha sa akin din kinuha.. hehehe walang aangal ha! larong adik lang. Kayo din try ninyo to! astig! sarap mag trip..

Ngayon naman, aking ipapakita sa inyo ang itsura ng aming magiging anak kung sakili na magkatuluyan kami ng bowa ko. hehehe nakakaaliw pag tripan ang ganitong klaseng bagay kapag high ka sa kape at yosi.. Tipong daig mo pa ang naka droga mag trip. hehehe. Oo nga pala bago magkalimutan eto na yung kinalabasan nung litrato namin ng bowa ko at ang itsura ng magiging anak "kuno" namin.

Ang resulta? parang bading lang ang itsura ng magiging anak namin! hindi ko alam kung matutuwa ako maiinis sa resulta, pero sa totoo lang natawa ako sa resulta kasi pramis! parang bading talaga.. paano kaya kung naging bading garci baby namin? Well, for sure hindi papayag at hindi matatanggap ng bowa ko yun, eh numero unong galit sa bading yun. Hindi lang alam ng bowa ko na may dugong berde ako (dugong bading in short!) pero natuwa din ako kasi ang ganda ng mata ng baby namin. Aminin nyo yan! kaso malakas ang dugo ng lapad ng mukha ko.

ETO NA NAMAN
Naku eto nanaman po ang pagiging adik ko, nagsimula ng pumasok sa mga ugat ko at kalamnan ko ang 2 basong kape. Naku baka mamaya ano nanaman ang maisipan kong gawin. hay.. grabe! hindi ko na talaga mapigilan sarili ko mag kape! kaninang umaga isang baso na ng kape ang ininom ko, tapos sa tanghali isang baso ulit, at pagdating ng hapon mga 3pm nag kape ulit ako, at ngayon kakatapos lang din ulit magkape mga 7:00pm? tingin ko hindi na ako normal. Kaya eto puro mga kaadikan na ginagawa ko. AYOKOOOO na mag kape pramis. kaso hindi ko mapigilan. Heeeeeelp!