Sunday, June 29, 2008

TINAGALOG NA EX-MEN

Promise nakakatawa 'to. As in! Panoorin ninyo po maaliw kayo.





















Friday, June 20, 2008

Hay grabe! Sobrang init talaga dito sa Manila. Nakakainis ang panahon! Uulan tapos aaraw, sabi nga ng isa kong kaibigan "epekto daw yan ng "global warning" o diba? bongga!! global warning. Natawa ako nung sinabi ng friend ko yan. Sabi ko sa kanya, "anong global warning? baka global warming" at ang sagot ng bakla, "oo, yun nga!" o diba? ang taray!! May sarili syang dictionary? hahaha.

Kung gusto nyo pa matawa, eto bibigyan ko kayo ng mga mas nakakaloka na anik-anik na karatula na 100% tatak pinoy.


TOP 5: CUR-FEU
Bonggang-bongga ang nakapaskil. "cur-feu" at take note, ang aga ng curfeu ha, 7pm-7am! Alam nyo yan! kaya wag na kayo lalabas ng mga kabahayan nyo pagsapit ng 7pm. At ang mag tanod more more ronda to the maximum level, at kapag nahuli kayo, bengga!!! dadalhil kayo sa barangay kasi hindi ninyo sinunod ang kanilang CURFEW ay mali cur-feu pala.

TOP 4: KEEP DISTANSKeep Distance, ay mali Keep Distans. Sundin na lang ang paalala para iwas abala sa daan, at mga aksidente lalo na sa edsa. Kaya dapat kalmado lang lagi sa pagmamaneho.Lalo na kung makakita kayo ng mga ganitong paaalala. Isipin nyo na lang, mahal ka ng kapwa mo pinoy..

TOP 3 "WARNING MEN OF WORK"
Ang mga pinoy talaga! Mahilig magpaalala. Kaya isa lang ang masasabi ko!! "sweet at 100% sobrang mapagmahal tayong mga Filipino!" Salamat sa mga paalala, "warning: men of work" ako aminado ako, masunurin ako sa mga ganitong klaseng paalala lalo na sa daan, nag iingat din ako, lalo na sa ganitong bonggang nagsasaad ng "warning: men of work" naku ang lola mo more more iwas talaga, ayoko mahulugan ng mga anik anik sa construction site noh! chaka! lalo na ang mahulog sa imburnal! yikes!!! hehe.. kasi dati na experience ko na ang nahulog sa imburnal, sira ulo kasi yung mga nagtatayo dati ng poste malapit dito sa amin, hindi man lang naglagay ng warning! eh ang lola mo more more walkathon ever with poise pa ha, tapos meron lang nakatakip na karton ba o marupok na plywood dun sa butas na paglalagyan ng poste, ayun sa kaartehan ko maglakad, kaka poise, ayan ang lola mo na-shoot sa butas, kahiya! yikes! rebelasyon na ito.. kaya next time sana lagi na lang meron ganitong karatula, at sundin na lang "WARNING: MEN OF WORK" Guys, para sa inyong kaligtasan din 'to!

TOP 2: VERTICAL PARKING

Well, hanggang ngayon iniisip ko pa din kung paano mag park ng kotse ng vertical? As in patayo ba? ewan.. Hindi ko alam kung pilosopo lang ako, pero ang wierd talaga.. uhmmm. vertical??!! Kayo paano ba ang vertical parking?


TOP 1: BUBBLE GUM

Huh? ano daw??!! ang labo.. hindi ko talaga maintindihan 'to... "if the bubble gum failure to outside from the machine please ask the cashier inside.."naku hindi ko talaga maintindihan kahit ilan beses ko basahin 'to. nakaka praning!!!! hindi ko talaga maintindihan.




BONUS:
INUMAN ELEMENTARY SCHOOL
Aba! meron palang ganito na eskwelahan. Astig!! INUMAN.. Paano kaya mag lecture ang prof dito? Siguro, mga usapang lasing. Ang saya siguro dito! libre ang alak galing sa mga teacher nila. No-nongga ka lang pasado na! Pero promise ang kwela ng name ng school diba? "INUMAN!"

Sunday, June 15, 2008

June 14 ng 9pm
Umalis ako kasama ang 3 kapit bahay ko, sila Jerome, Paula, Bernard at ang aking kapatid na babae. Pumunta kami ng Antipolo dahil marami kami dapat ayusin na mga bagay bagay na nauwi sa hindi maganda ang pakay. Since hindi kami nagtagumpay sa aming mga plano ang ending ay tumambay na lang kami sa Mc Donalds's Marcos Highway, kain ng konti, kwentuhan, at yosi. At sa aming pagtambay doon, hindi namin naiwasan ang manglaet ng mga tao kagaya ng;

1. tignan mo yung guy ang gwapo kaso ang pangit ng girlfriend nya.
2. wow, eto gwapo kaso mukhang bading. sayang!!
3. ang ganda ng skin nung isang yun tignan mo, sana naging skin na lang sya.
4. astig yung kotse nito, worth 7 Million na MB.. wow mayaman! kaso panget ng guy parang nanalo lang sya sa lotto or something, mukha pang katulong yung kasama nya.
5. aba! bakit pare-pareho suot ng 3 babae na naglalakad? baka sasayaw.. hehehe
6. ganda ng damit ng girl, kaso lang mukhang ma porma lang, pero kung ako magsusuot ng ganyang ka seksi na damit, putcha! hindi ako mag je-jeep! magdadala ako ng kotse!
7. yung naka red dun sa loob akala ko gwapo hindi pala. gwapo lang pala sa malayo.
8. pangit mag damit nung isang girl na yun, sayang maganda pa naman.

Hay naku, ilan lang yan sa aming mga napuna sa mga tao kagabi. Kakatawa diba? Oo alam ko masama manglaet ng tao pero minsan katuwaan lang para ba may tawanan at mapag libangan lang. At sa aming sandaling pagtambay sa Mc Donalds, may nakita din kami na banggaan. At syempre para maiba ang usapang laetan, ang banggaan naman ang aming topic. Noong nakita namin ang banggaan, wish namin sana may sapakan para live! Kaso walang naganap na sapakan, kaya medyo nalungkot ako, walang thrill.

Well, naka 2 oras din kami nasa Mc Donalds, sa 2 oras na iyon, meron pa kami napagtripan, yung isang waiter dun. Nakakatawa kasi tinawag namin sya at tinanong anong number mo? Like ka daw kasi ng isang kasama namin, Naku! nakakawindang, ang waiter super bigay naman sya ng number nya 0927-blah-blah-blah, mukhang ewan lang! at kinilig pa si gago, eh nag ti-trip lang namin kami. Pero sa totoo lang gwapo at makinis ang kutis ng waiter ha, wag mo lang papakinggan ang boses nya kasi may bicol accent sya, meaning to say hindi nanaman perfect.

Sa aming pag-uwi, habang nag mamaneho ako ng kotse, napag usapan namin ang salitang perfect. Lahat ng mga na-observed namin sa 2 oras na pagtambay sa Mc Do ay hindi perfect! Sabi ko naman oo wala talagang perpekto dito sa mundo si God lang. Sabi naman ng isa kong kaibigan ni Paula "yung waiter, gwapo kaso lang panget sya magsalita, sayang" at ang sagot ni Jerome kay Paula; "kung gusto mo ng maganda magsalita, si Mike Enriquez... kaso lang panget mukha nya, malaki pa yung ilong." hehehe (tawanan kami sa kotse). Nakakatawa naman kasi talaga eh. Tapos nauwi pa ang usapan sa pagpili ng boyfriend, sabi ni Jerome, "alam nyo kung gusto nyo ng perfect na bf.. edi gawin ninyong boyfriend si God! Yun perfect yun!. Sa totoo lang nung narinig ko 'to kay Jerome, naisip ko gawin yun? Gawin kong boyfriend si God sa puso ko. Uy, wala akong plano na mag madre ha! Pero sa totoo lang parang ang hirap gawin. Hindi ko alam paano ko sisimulan. Ang hirap talaga. Hay...

Monday, June 9, 2008

Hay!! Eto ang bagong camera na surprise gift sakin ng boyfriend ko. Canon EOS-V1, made in the USA. Hay, talaga naman lumundag ako sa tuwa ng makita ko ang camera. Wala talaga ako masasabi sa boyfriend ko, kasi napakabait nya at sobrang sweet, at take note ha, with matching lens pa yan.

UPDATE:

Mas lalo akong magiging masaya kung magkakaroon ako ng ganito:

Ito ang HOLGA 120N, oo plastic toy camera sya! Mabuhay ang mga adik sa lomo... hehehe.. astig 'to mga pare ko. Sobrang ganda. Kapag ako nagkaroon nito, ako na ang pinaka maligayang babae sa balat ng earth!

PHP2,000 ang halaga ng HOLGA 120N, sa Hidalgo (sa quiapo). Kaya lang kailangan mong magpa-reserve, kasi nga sobrang mabenta ang camera na ito lalo na sa mga adik sa lomo at isa na din ako dun! magkakaroon din ako nyan, hopefully, next week. At sigurado ako papagalitan nanaman ako ng mom ko, hehe. Sigurado din ako na sira ang budget ko sa mga film camera ko. Minsan nga gusto ko na lang gumamit ng DSLR. NIKON D40x! yahoo!! mahal nga lang, siguro mabibili ko yung lintik na nikon na yan kung hindi na ako kakain, at bonggang pagtitipid ang gagawin ko. Well, anyway.. maligaya na din ako kasi maganda naman ang CANON EOS V1 ko, salamat sa boyfriend ko. Thank you talaga! Ang bait mo talaga sana kunin ka na ni
God. Joke!

Friday, June 6, 2008

THE OLD SPAGHETTI HOUSE (libis)
Niyaya ko ang isang kaibigan na kumain sa "The Old Spaghetti House" kanina. Natuwa ako kasi matagal na akong hindi nakakain dito, at ang una kong napansin sa pagpasok ko dito sa may pintuan nila ay "SAVE RICE, EAT SPAGHETTI" noong nabasa ko ang nakapaskil sa kanilang pinto, naisip ko na gawin yun! Well, tutal naman mahilig ako sa pasta, at alam ko kaya ko gawin yun, bakit hindi diba? hehehe. Grabe! busog na busog ako kanina sa mga kinain ko, ganun din ang kaibigan ko. At alam nyo ba kung kailan ang huli kong kain dito? shucks! 2004 with my ex-boyfriend pa, at na
tuwa naman ako kasi nakakain din ulit ako sa wakas!!! Kaya lang medyo naisip ko sya at medyo na missed ko din sya ng slight... hehehe. sana lang masaya na sya ngayon,, oopss.. bitter... hehehe

FOR RENT CONDO/ STUDIO TYPE CONDO...
Oo naghahanap nga ako ng for rent condo (studio type o kahit may 1 bedroom okay na). Sa aking pagmamaneho, may mga nakita ako na mga lugar, maganda at maganda din ang kanilang rate buwan-buwan. At isa sa aking nagustuhan ay ang yung condo unit na may 3 br, 2 t&b, living area, balcony, kitchen, may aircon yung 2 room, may tv, may ref, cabinet basta fully furnished na at syempre pwede pa mag swimming ng libre! Gustong-gusto ko ng kunin may kamahalan nga lang. Sabi ko sa kaibigan ko, kukunin ko yung unit at paparentahan ko yung 2 kwarto para may housemate ako, o diva parang Big Brother House lang?? Hehehe kaya lang naisip ko na baka mamaya yung mga makuha ko na housemate/s eh mga burara, makalat sa bah
ay, ayoko naman ng may ganun na kasama, lalo na kung malikot ang kamay. Mabuti na din ang nag iingat. Kaya naisip ko na studio type nalang ang kukunin ko. Mas okay kasi kung ako lang ang mag isa, atleast kaya ko mapanatili na malinis ang lugar ko, may privacy pa ako at wala pang mawawala na mga gamit ko.

So sobrang depressed ko na makakita ng studio type condo, napabili ako ng buy and sell na dyaryo sa mercury drugs.At Pagkadating na pagkadating ko ng bahay agad kong binuklat ang dyaryo at binasa ang mga listahan ng for rent condo sa mandaluyong area o pasig. May mga nakita ako, at malamang pupuntahan ko ang mga nakita ko dito next week. Mahal at alam ko hindi pasok sa budget ko yung iba pero yung iba okay lang, at sana sa aking pagbisita next week sa napiling lugar eh meron ako magustuhan, medyo pihikan din kasi.

Pagkatapos namin ng aking kaibigan na maghanap ng for rent condo...Naisipan ko naman ang mag grocery ng wala sa oras. Nakakatawa diba? Sa aking pamimili marami din ako natutunan. Mahirap pala ang mag budget ng pera. Naku!! paano na kaya kung independent na ako at halimbawa nasa ibang bansa ako? So para matuto, sinubukan ko mamili, practice lang! syempre kasama ko pa din kaibigan ko. Ang sabi ko sa kaibigan ko, PHP1000.00 ang budget ko na pang grocery, pero noong nasa cashier na kami at magbabayad na ako PHP750.00 lang ang lahat ng aking pinamili. Wow!! Sabi ko sa kaibigan ko, ang galing ko na pala mag budget. Eto ang mga pinamili ko:

* 1 galon na mantika
* gulay (kangkong, carots, okra, patatas, onion, kalamansi)
* 1 kilo na liempo na baboy
* 1 buo na manok
* 2 toothpaste (colgate)
* 1 kilo hotdog
* pineapple (fresh)
* 4 reno, 4 meat loaf (para sa mga aso ko)
* fresh na tinapay (from gardenia)
* 1 toner (skin white)

O diba? akalain nyo lahat ng iyan PHP750.00. Nawindang pala ako nun nakita ko ang presyo ng bigas, grabe ang mahal na pala.

MALAHAGA ANG 10 SENTIMOS

Natutunan ko na din na mahalaga din ang bawat sentimos. Kaya naisipan ko na itago ang lahat ng mga sentimos na madalas isukli sa aking sa mga binibilhan kong groceries at department store. Wais na ako ngayon! Saka ngayon at simula ngayon, hindi na ako papayag na hindi ako suklian ng mga binibilhan ko, halimbawa kulang ang panukli ng SM Hypermarket ng 20 sentimos, naku kukunin ko talaga, hindi na pwede yung sagot na "okay lang..." hay, bakit sa kanila ba, okay lang ba na magkulang tayo ng 20 sentimos na pambayad sa kanila, so para pantay ang at maayos ang usapan walang ng "okay lang factor".. Kaya magtipid! at talagang magtitipid na ako. Iwas na din ako sa pag sho-shopping every 2 weeks. Naku mahal na ang lahat dito sa mundo noh!. Saka minsan naisip ko na mag commute na lang kung may pupuntahan ako, hay ang mahal na kasi ng gasolina!!! at kung magdadala pa ako ng kotse dagdag gastos sa gas at parking fee/hour, hay!! doble-doble na ang babayaran, ubos nyan pera ko at masisira pa ang budget ko for the whole week or month. How I wish may pag-asa pa ang Pilipinas na maka bangon, pero sa tingin ko malabo ng mangyari yun. Palpak kasi ang mga nagpapalakad dito sa ating bansa! Masyadong maraming magagaling, at mga nakaupo na nagpapalakad ng "anik-anik... " hehehe. O sige hanggang dito muna, kasi hahaba na ang usapan kapag nagsulat pa ako ng tungkol sa ating gobyerno.

Wednesday, June 4, 2008

BALAGBAG FALLS Isa sa mga nakatago at hindi pa natutuklasan na puntahan ng mga tao, malamig ang tubig at maganda ang "view", very nature talaga. Para sa akin isa na itong paraiso! Isa din ito sa ipinagmamalaki ko na lugar na talaga naman dapat makita ng mga tao.

Alam nyo din ba na yung nakikita nyo na falls sa unang palapag ay "talunan" ng mga gusto tumalon. Kung ako ang tatanungin nyo, gusto ko talaga tumalon dyan kaso hindi ko pa kaya at natatakot pa ako na baka mamaya pagtalon ko sa tubig hindi na ako lumutang, mahirap na din kasi hindi naman ako magaling lumangoy at sobrang malalim daw ng babagsakan mong tubig. Hayaan nyo babalitaan ko kayo at isusulat ko kaagad dito sa aking "blog" kapag nagawa ko ang pagtalon dyan sa falls na yan.


Ito naman ang view ng Balagbag Falls sa itaas. Oo dalawa yung falls na yan isa sa ibaba at isa naman sa taas. Kung ako ang tatanungin mas maganda ang view sa itaas. Hay ang sarap ng tubig dito! Sarap pa itapat ang katawan sa tubig habang bumabagsak, parang minamasahe ka lang pero kapag sobrang nakababad ka na sa tapat ng falls masakit na din sa katawan. At take note! meron din mga tao na malalakas ang loob na inaakyat ang tuktok ng falls na ito grabe talaga, alam nyo kung maipapakita lang ang Balagbag Falls sa sports unlimited naku baka akyatin pa yan ni fafa Marc Nelson.

Maraming beses na ako nakapunta dito sa Balagbag. At sa bawat bisita ko meron din mga konting mga pagbabago. Inaayos na kasi nila yang falls na yan. Noon ang entrace fee nila PHP5.00 lang, tapos naging PHP10.00, at ngayon PHP20.00 na. Ok na din yung entrance fee nila. Sulit naman kasi pagnakita mo. Ang galing galing talaga ni God kasi nakalikha sya ng ganitong klase na mga paraiso ang ganda ganda! Paano pa kaya sa langit, siguro mas maganda doon.

Matanong ko nga kayo, ano ang naiisip nyo kapag nakakakita kayo ng falls? Ako kasi kapag nakakakita ako ng falls, ang naalala ko lang ay ang "okay ka fairy ko" ni Vic Sotto at Alice Dixon o ni Tweety De Leon. Pakiramdam ko talaga may mga diwatang nakatira sa mga ganitong lugar.

Tuesday, June 3, 2008

Potograpiya isang nakakalibang, nakakaaliw, nakakaadik, at kung ano-ano pang nakaka! Matagal na akong nahumaling sa pagkuha ng kahit anong bagay, tao, scenery, at ng kung ano-ano pa gamit ang aking camera.

Ang larawan na inyong nakikita sa taas ay isa sa aking mga obra(naks! feeling pro) na kuha sa Baguio. Kuha ito isang hotel kung saan kami nag "stay" kasama ang aking pamilya (2 kapatid ko, dad, and mom ko). Madalas sinasabi ng mom ko sa aming dalawa ng aking dad na wala daw kami mapapala sa pagkuha ng litrato, gutom daw at nag aaksaya lang daw kami ng pera. Naku kung alam lang sana ng mom ko ang pakiramdam kapag nakakakuha ka ng isang maganda litrato, hay parang heaven ang pakiramdam. Para sa amin ni dad, isang award na yun! kung baga sa mga sumasali sa mga contest "panalo" naku ha with matching effort talaga sa pag kuha ng "subject" ang isang potograper, sana lang alam ng mom ko yun. Mabuti pa ang bunso kong kapatid naiintindihan kami sa aming mga bisyo. Paanong hindi nya kami maiintindihan, kasi yung manliligaw ng kapatid ko ay isa din adik sa potograpiya.

PETRONAS TOWER
Ito naman ang aking kuha noong minsan nagpunta ako ng Kuala Lumpur. Too bad kasi hindi ako nagtagal doon, 1 1/2 araw lang ako nag stay kasi kailangan ko bumalik ng Manila. Nakakainis kasi hindi ako masyado nakapasyal. Sabi nga ng mga kaibigan ko

kaibigan 1: uuwi ka na?

ako: oo, kasi may trabaho ako.

kaibigan 2: sayang naman yung pinunta mo dito kung uuwi ka kaagad. parang cubao lang ginawa mo.

Oo. Nag aksaya nga ako ng pera nun nagpunta ako ng Malaysia, kasi ba naman para akong sira na ang usapan namin ng mga kaibigan ko 1 week kami mag stay, nangyari umuwi agad ako. Nakakainis nga kasi nadoble mga binayaran ko sa ticket. Yung 2-way ticket na binili eh hindi pala pwede palitan yung petsa pabalik ng Manila kaya bumili ako ng isa pang ticket na KL-MANILA, kainis din kasi boss ko tinakot nya ako na kapag hindi ako pumasok tatanggalin nya ako sa trabaho, wala talaga akong choice kundi ang bumalik mag-isa ng Manila. At hulaan nyo ano ang pinag gagawa ko sa Malaysia? Nagpaluto ako ng pork sinigang sa aking kaibigan. Ang corny diba? Hay naku hindi na yata mawawala sa listahan ko ang kumain ng pork sinigang kahit saan lugar ako magpunta (kahit international pa, as in!!) dapat may sinigang! Yun din kasi ang numero unong paborito namin na ulam na magbabarkada. Pero natuwa naman ako kasi nakita ko ang Petronas Tower at nakunan ko ng maganda ang dating tallest building in the world, saka nakapasyal din ako sa Genting Highland, Batu Cave, sumakay ng cable car, at nag roadtrip dala ang kotse ng husband ng aking kaibigan at syempre papahuli ba naman ang gmick.. hehehe.. Nakakapagod yung weekends ko ha! Biruin mo, Saturday ng umaga ang flight namin Manila - Kuala Lumpur, tapos lunes ng umaga sa Malaysia, nasa airport na ako, 6am yata yung flight ko nun pabalik ng Manila, at dapat 3 hours before ng flight nandun na ako sa airport ng Malaysia para mag check-in. Mukha akong tanga mag isa sa airport ng Malaysia walang kausap, kaya ang ginawa ko na pampalipas oras; nag kape ako sa mc donalds at timingin-tingin ng pwede ko mabili sa duty free, at syempre bumili din ako ng something lang para sa boss ko, "sipsip effect" or suhol, para di mapagalitan. At take note ha! Pagbalik na pagbalik ko ng Manila,larga na! TRABAHO na agad, sabi ng mga kaibigan ko at officemates ko, ang lakas ng powers ko kasi wala daw ako jet lag, sus anong wala, puyat kaya ako galing ng gimikan sa siyudad ng Kuala Lumpur, ala-1 ng madaling na kami nakabalik nun sa condo ng kaibigan ko, tapos umalis ako ng condo ng 2 am, 3 am airport na ako, sino kaya hindi pagod? Adik din sila diba?

Monday, June 2, 2008

Ano kaya kung may computer at internet access sa langit, naku sigurado ako mas madali na tayong mga tao na makikipag-usap kay God bukod sa pagdadasal. Alam ko effective ang paraan ng pagdadasal pero mukhang mas mukhang mas effective yata kung may computer at internet nga sa langit. Halimbawa na lang kung malaki ang problema ng isang tao at walang makausap, sa pamamagitan ng computer at internet, instant na natin makakausap si God thru chat at emails, at ilang segundo o minuto lang instant response na. Pero kung ganito kagaya ng nasa litrato sa taas ang office ni God at ganito ang madalas nyang ginagawa hala! masasagot kaya nya isa-isa lahat ng mga gusto syang makausap? Sa aking pananaw, hindi imposible lahat, alam ko kaya nya kasi sa araw-araw ba naman iisipin mo na paano kaya nagagawa ni God na pakinggan ang lahat ng mga dasal natin, at take note iba't ibang lengguwahe pa at kayang kaya nya. Napaka powerful talaga ni God. AMEN

Uy June na! Panahon ulit ng mga kasalan. Nagtataka ako bakit marami at karamihan sa mga babae gusto at pangarap nila maikasal sa buwan na June, ano ba nag meron sa buwan ng JUNE? Hindi ko talaga lubos maisip ang logic nun. Para sa akin masarap pakinggan sa mga tenga kung maririnig mo sa isang kaibigan, kamag-anak na si halimbawa

Babae 1: Uy si Pipita ikakasal na, at June Bride pa ha.
Babae 2: Talaga? Ang bongga naman nun June Bride, sana ako din.

Madalas yan ang naririnig ko hindi lang sa showbiz ha, pati na rin a totoong buhay. Well, since napag-uusapan na ang kasal, hala! ako kaya kailan ikakasal? Sa totoo lang gusto ko na din ikasal kaya lang hindi ko pa nakikita at nakikilala ang taong papakasalan ko mukhang hindi nga yata mag eexists ang groom ko, nakakatawa diba? Pero kung mangangarap ako na ikakasal ako balang araw, isa lang naman ang hihilingin ko

"sana kung sino man ang lalaki na gusto ako pakasalan, sana mahalin ako ng bonggang-bonggang! At sana bago ako ikasal, makausap ko muna ang taong gusto kong kausapin, mahirap na kasi baka mamaya may mag propose nga sa akin pagkatapos biglang dumating yung matagal ko ng hinihintay na lalake, baka magsisihan ko pa mahirap na"

Naku, palitan na natin ang usapan na ito kasi baka mamaya maging matandang dalaga ako. Alam nyo na sabi ng mga matatanda kapag nag oopen ka daw ng topic tungkol sa iyong dream wedding eh hindi daw nagkakatotoo, nakakatakot kaya puputulin ko na muna ito. At para naman sa mga ikakasal ngayong JUNE, eto lang ang masasabi ko

"best wishes"