Tuesday, August 19, 2008

anong numbero ka? ako numero quatro




You Are 4: The Individualist



You are sensitive and intuitive, with others and yourself.

You are creative and dreamy... plus dramatic and unpredictable.



You're emotionally honest, real, and easily hurt.

Totally expressive, others always know exactly how you feel.



At Your Best: You are inspired, artistic, and introspective. You know what you're thinking, and you can communicate it well.



At Your Worst: You are melancholy, alienated, and withdrawn.



Your Fixation: Envy



Your Primary Fear: To have no identity



Your Primary Desire: To find yourself



Other Number 4's: Alanis Morisette, Johnny Depp, J.D. Salinger, Jim Morrison, and Anne Rice.

Monday, August 4, 2008

nakaka adik pala ang mag online shopping. eto na ang pangalawang beses na mag online shopping ako, at ang huling online shop ko eh noong nakaraang linggo lang tapos kanina lang habang nag babasa tungkol sa potograpiya, naisip ko na silipin ang online shopping ni jennie castillo. at sa aking pagsilip ko, hulaan ninyo kung ano ang nabasa ko at natuklasan ko? "Php80.00" na superia xtra 400, 36 shots. ang mura diba? kung sa mall ko bibilhan yan mas mahal, nasa mga Php160-175 ang 1 roll ng 36 shots. Kaya eto! agad ako kumuha ng 10 rolyo! astig! ang dami diba?

marahil iniisip ninyo na hindi na uso ang mga films, dahil karamihan sa atin ay gumagamit na ng modernong kamera na kung tawagin natin ay Digital Camera, well para po sa karagdagang kaalaman, uso na ulit ang mga 35mm, 110mm, 120mm lalo na sa mga gumagamit ng lomo cameras (toy cameras), at isa na din ako doon! ay hindi pa pala ako kabilang doon sa mga gumagamit ng lomo kasi hindi ko pa nakukuha yung holga120N ko na ibibigay sa akin ng libre! galing ng america. basta ora mismo na makuha ko ang libreng holga ko, agad kong ipapaalam sa inyo at kayo din na mga readers ko ang unang makakasulyap ng sample shots ko gamit ang HOLGA120N.

pakiramdam ni pipita
masayang masaya ako ngayon! kasi ang dami kong stocks na films for next week!!! yahooo!!!
sana maging maayos na ang panahon sa sabado para makapunta ako ng UP DILIMAN at makapag shoot na! at speaking of UP... missed ko na ang kumain ng isaw sa may ilang ilang.. at syempre missed ko na din ang MANG JIMMYs, lalo na ang beach house sa may sunken garden.

Saturday, August 2, 2008

Wow! ang bilis naman talaga ng takbo ng oras. Sa sobrang bilis hindi ko na namalayan na agosto na pala. At ilang linggo na lang, September na at syempre kapag may B-E-R na hulapi sa hulihan ng salita, ibig sabihin nun magpapasko nanaman! Ang bilis-bilis naman talaga. Tumatanda na talaga ang ating Inang Mundo.

Hmmm.. napansin ko, wala ako masyadong naisulat ng mga nangyari sa pang-araw-araw kong ginagawa sa buhay ko last month, hehehe.. feeling busy lang ako. Alam nyo naman ang Lola Pipita ninyo madaming raket sa buhay para kumita ng pangkabuhayan showcase! hehehe.. Well, since nagkaroon na ako muli ng pagkakataon na makapag sulat at mag bahagi ng mga walang kwentang kwento. Hmm.. sige sisimulan ko na.

3:00 pm
kanina umalis ako ng bahay para makipagkita sa isang "college friend" kasama si Marina. Lakad-lakad sa loob ng SM. Nang okray na din kami ng mga tao, ang napag tripan namin eh yung mga salesman sa loob ng Department Store. Hahaha. Eto ang nakakatawang kwento ko na nangyari sa loob ng SM.

Habang naghahanap ng bagong bag si Angel, nagtatawanan na talaga kami, nandyan na ang laitin ko si Angel na "wag yang color na yan, pangit! ang chaka talaga.. pang mahirap!" hehehe.. so syempre hanap naman ng ibang color si Angel, ganun din ako. At sa pagtulong ko sa paghahanap ng bag nilapitan ako ng isang salesman na medyo effect ang face! Naku may pagka bastos din ang salesman na ito, kasi tama ba naman na sabihin nya na "ito ma'am bagay sa inyo" hay.. syempre umandar ang pagka pilya ko, sinabi ko straight out sa salesman na "ok ka lang sa tingin mo ba gagamit ako ng ganitong klaseng bag? kikay ako." hehehe..pilya talaga ako, pasensya na. hehehe.. Tapos sabi ko sa kanya joke lang! nagbibiro lang ako. Tapos meron pa ako nakita na isang bag, okay na maganda, tapos kinuha ng salesman yug bag, kaso biglang humirit si salesman hawak ang bag na, "ma'am maliit po ito".. naku eto nanaman.. umandar nanaman ang pagka pilya ko, lumayo ako sa kanya, sinabi ko sa mga kasama ko na "maliit daw yung sa kanya" hehehe naku.. nagtawanan kami, tapos sinabi ng friend kong si Angel na "maliit ba?" hahaha.. ayun si salesman, sabay tangi na "hindi ah..." hahaha... defensive si mokong! naku sumakit ang tummy namin kakatawa, kasi puro pang ookray ang ginawa namin, pero syempre bumili pa din kami ng bag.

4:30 pm
Isa pang kwento.. "pinoy idol sa sm"
oops.. Oo kanina nasa SM yung Pinoy Idol.. Sinilip namin saglit, kasi curious din ako. Kasi hindi naman ako nanonood nun. Sa pag silip namin sa mga mang-aawit, hay.. hindi na naman namin maiwasan ang manglaet. Sabi namin, "ang panget ng mga boses.. magaling pa ang mga little dreamers ng "Pinoy Dream Academy" kaysa sa kanila. Ang chaka (pangit) talaga.. Naku hindi namin napansin na nasa likod lang pala namin yung isa sa staffs ng GMA. hehehe.. Tapos nabanggit pa namin na mas magaling pa din si Bugoy(ng PDA) umawit. Sobrang panglalaet talaga ang ginawa namin sa GMA kanina.

5:00 pm
A very special love - John Lloyd and Sarah..
Yes! Ang saya ko na. Oo na alam ko corny! walang pakialamanan! kasi pinanood namin ito. Ang cute ng story.. sobrang cute as in! Hay. makapanlaglag panty talaga si John Lloyd, ang gwapo sobra! lalo na kapag kinakagat nya labi nya, hay... natutunaw ako. Pero sorry John Lloyd ha, si Piolo Pascual pa din ang mahal ko.

7:00 pm
STARBUCKS
pagkatapos namin mag-ikot-ikot, kumain sa resto (nakalimutan ko na yung name ng kinainan namin) bumili ng bag, at manood ng sine.. dito sa starbucks ang huling destinasyon namin. At syempre nag picture-picture kami, dala ko ang SLR ko, lahat ng taong makita ko kinukunan ko ng litrato (hay.. frustrated photographer talaga ako)

1 grande - cafe latte, ang pinaka paborito kong kape! hay.. sa totoo lang hindi ako avid fan starbucks, seattles best ang gusto ko talaga o kaya san fracisco coffee ang the best para sa akin. kaso since eto lang ang medyo okay na kapihan na malapit sa area ko, pwede na din. kayo ba ano ang paborito ninyong coffee shop?

angel at ako. hay naging magkaibigan na kami nito simula pa college days, at hanggang ngayon ganun pa din kami,kagaya ng dati walang pagbabago. nagkaroon man kami ng hindi pagkakaunawaan dati, tampuhan... pero tignan ninyo maganda pa din ang samahan namin. at kahit gaano man kami kagal di nagkita alam namin na wala pa din magbago sa samahan namin. siguro kung meron nagbago eh tumanda na kami. naniniwala din ako na aabot ang pagkakaibigan namin hanggang maging ugod-ugod na kami. si angel ang naging sandalan ko noong mga araw na nagkaroon ako ng matinding problema sa punyetang puso! sya ang umalalay sa akin, nakinig, at nagpalakas ng loob ko na lumaban.. kaya Gel, kung mababasa mo ito. Thank You!