BUHAY MAY ASAWA, nakakasawa!
Mahirap pala ang buhay na may asawa. Hindi biro ang lahat, minsan nakakapagod na. Sa totoo lang gusto ko na talaga bumitaw. Hindi na kasi ako masaya kasi nakikilala ko na pagkatao ng taong makakasama ko habang buhay.
Mag 4-months palang ako kasal, pero ibang-iba na ako. Pumanget at tumanda na ang mukha ko dahil sa kakaisip ng mga problema, ewan ko ang asawa ko kung naiisip nya lahat ng naiisip ko. Ang hirap, ang masama pa napaka walang kwentang tao ng asawa ko, kaka tanggap lang nya sa trabaho nya puro gmick at barkada ka din sya, ilan beses ko sinasabi sa kanya na hindi na sya binata para gawin nya ang mga ginagawa nya noon. Mahirap ba intindihin yun? Naiinis at nahihiya na din ako sa parents ko, kasi sila ang nag bibigay ng allowance sa asawa ko kapag papasok na sya sa trabaho, pero ano ang ginagawa nya? Hindi sya umuuwi ng maayos, ayun nakikipag gimikan at nakikipag inuman muna. Tingin nyo ba tama yun? Ako sa tingin ko hindi tama yun, at ang katwiran pa nya sa akin, masama daw ba ang magsaya? Hindi masama ang magsaya, pero sana naiisip nya na lahat ng ginagastos nya sa pagbabarkada nya at pag iinom nya, iniisip nya na madami kami dapat bayaran, kagaya ng utang namin na hindi pa namin nababayaran, naraspa kasi ako last January 11, 2010 lang. Inutang lang namin yung pinambayad namin sa pang raspa ko. Tapos may lakas sya ng loob na magbarkada, inuubos nya sa walang kwenta yun pera, at ang pera na ginagamit nya sa bisyo nya pera ng magulang ko. TAMA BA YUN? Pakatapos, ako pa ang sasaktan nya at sasampalin para lang ipagtanggol ang mga kabaliwan nya. Hindi na siguro tama, masyado na akong mabait.
Gusto ko na makipaghiwalay, kasi alam ko hindi ko deserving ako taong pinakasalan ko. Hindi ko nararanasan ang ganitong hirap noong single ako, at never ako nagkautang malaking halaga noong single ako. Oo sabi ng mga barkada ko ako na pinakamalas na babae sa amin, kasi napunta ako sa guy na patapon ang buhay.
Nahihirapan na ako. Pero hindi ako makawala sa asawa ko. Kasal kami at church wedding pa. Siguro ang pagkakaiba namin ako family oriented ako, at ginagawa ko ang role ko bilang mabuting asawa. Na bago pumasok ang asawa ko sa trabaho, ako mismo ang maghahanda ng baon nya na ulam at kanin, para makatipid (praktikal lang.. kailangan magtipid eh) pero nagbubuhay sosyal ang asawa ko na hindi naman nya kaya. Ang sakit sakit na minsan nasampal nya ako at sinaktan nya ako physically dahil late sya naka uwi from work, at ako mismo ang sinaktan, kapal ng mukha! Ang hirap hirap! Tapos ngayon, niloko pa nya ako. Ang galing din ng asawa ko magpanggap na kunyari hindi nya ginawa pero ang totoo may ginawa sya. Ayoko na.. Ayoko na ng ganitong buhay.. Tama na. Napapagod na ako.
Sunday, February 7, 2010
Wednesday, June 17, 2009
Friday, June 12, 2009
MABIGAT NA PAKIRAMDAM
Ngayon ay 12th ng June, at ito ang ika-walong buwan namin na paglolokohan ng irog ko. Hay buhay.. parang napaka dry lang ng araw na 'to. Syempre may konting hindi pagkakaunawaan nanaman kami ng irog ko kaninang madaling araw. Sino ba naman kasi hindi maiinis, tama ba naman na hindi ka batiin. Nagpaparamdam na nga ako pero wala lang, wala syang nararamdaman. Bakit ganyan ang mga lalake? Kainis!
Well, kaninang tanghali na surprise naman ako sa irog ko, kasi nilinis nya ang kotse ko tapos at naka wax pa ha! Pero sa totoo lang, pakiramdam ko mabigat ang loob sakin ng mga tao sa bahay ng irog ko. Hindi ko alam kung bakit pero marunong naman ako makiramdam. Ayoko tumalon sa susunod na conclussion, pero yun ang pakiramdam ko! Hay, doon kasi muna sa bahay ng irog ko naka "park" ang kotse ko. Kasi gusto din ng irog ko para maasikaso nya kotse ko. Tamad kasi ako maglinis ng kotse, saka gusto ko nagpapa car wash talaga para tipid sa tubig at hindi pa ako pagod.
Pakiramdam ko talaga mabigat talaga ang loob sakin ng mga tao sa kanila. Hindi ko kilala ang mga tao sa kanila, yan ang totoo dahil hindi naman ako pinapapasok ng irog ko sa loob ng bahay nila. At pakiramdam ko hindi ako welcome dun, ayos lang yun, pero deep in inside, nasasaktan ako. Tumatahimik na lang ako, para hindi na lang kami mag away o magkaroon ng di pagkakaunawaan. Oo na martir na ako! Lagi naman ganun ang papel ko sa mundo. Kulang na lang barilin ako at ipagpapatayo ng sarili kong rebulto. Kailan kaya ako liligaya. Gusto ko ng maging masaya talaga yung hindi na ako mag iisip ng kung ano-ano na negatives. Ang sarap siguro kung 100% na masaya ka na. Sana mangyari yun sakin.
Friday, June 5, 2009
nakakapagod! nakakapagod na talaga!!
Hay ang buhay nga naman..
Dumating na ba sa inyo yung pakiramdam na napapagod ka na. Yung tipong pagod ka na kasi paulit-ulit lang ang nangyayari sa pang araw-araw ninyo? Nakakasawa na din diba? Pero minsan kahit napapagod ka na, at nagsasawa ka na, wala kang choice kundi ang huwag bumitiw, kasi alam mo sa sarili mo na mahalaga ang kinakapagod mo.
Monday, May 25, 2009
HINDI MARUNONG MAKARAMDAM, IN SHORT MANHID!
Minsan nagbiro ako sa KANYA (hindi ko nasasabihin kung sino ang tinutukoy ko), kung baga yung biro ko may laman at alam ko mararamdaman nya. Pero napansin ko "lately" parang hindi tumatalab ang mga biro ko at hindi pa rin nya nararamdaman ang gusto ko ipahiwatig. Nakakalungkot kasi kahit anong gawin ko na biro na may laman, at paramdam WALA talaga ako mapapala. Ang hirap diba? Nakakasakit din ng damdamin pero hinahayaan ko na lang, sanay naman ako mag tiis. Kulang na nga lang ipako ako dahil "martir" ako at kahit kailan ay MANHID SYA! Kawawa naman ako kasi ako lahat ng ginusto nya ginawa ko ang simpleng hiling ko lang napakasimple, hindi nya magawa. Kahit isang beses lang na mangyari ang hiling ako, ako na ang tatanghaling pinakamasayang babae sa balat ng earth! Pero malabo, kasi nga MANHID!!!!
Wednesday, May 20, 2009
ANG TANONG MALIGAYA BA TALAGA?
Kahapon ang aking kaarawan, nairaos naman ng konting salo-salo. At ang aking namumukud tanging bisita ay si Irog lang.
Gabi ng May 18, may pasok ako at si Irog sa opisina. At ng pumatak na ang alas 12 ng hating gabi, habang may kausap ako na kliyente sa telepono sa opisina, may iniabot na isang maliit na mensahe na nakasulat sa papel si Irog. At hulaan ninyo kung ano ang nakasulat? "HAPPY BITHDAY!" na "touched" ako kasi akala ko nakalimutan na nya. At syempre pagkatapos ng oras ng trabaho bandang alas 6 ng umaga, binati ulit nya ako ng "happy birthday" at dahil nga meron akong dalang sasakyan nung pumasok ako sa opisina noong MAY 18 ng gabi, at kinabukasan ng umaga ay MAY 19 na, syempre hindi pwede mawala ang birthday litrato gamit ang aming mga cellphone. At syempre din, pagdating namin ni Irog bahay namin, nag almusal kami ng kanin, at syempre hindi pwede mawala ang kape! Pagkatapos kumain ng agahan, umakyat kami ni Irog sa "garden deck" ng bahay namin at nagyosi kami pareho.
At kagabi habang naglalakad kami ni Irog sa labas ng subdivision namin, ang sabi nya sa akin, sigurado na daw sya na ako daw ang papakasalan nya. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Pero kung talagang kami ang ginawa ni God na gawing isa, kami talaga, ayoko manguna o pangunahan si God. Basta ngayon, isa lang masasabi ko, masaya ako at meron akong minamahal na alam ko na mahal din nya ako. Yun lang.
Monday, May 18, 2009
MALIGAYANG KAARAWAN PARA SA AKIN!
Nakakainis! Akalain ninyo yun parang kailan lang 26 lang ako, at mamaya pagsapit ng alas dose ng gabi, 27 na ako! Parang ayokong tumanda, padagdag ng padagdag ang edad ko, konti na lang mawawala na ako sa kalendaryo.
At dahil nga sa kaarawan ko mamayang alas dose, malabo ako makapag handa ng munting salo-salo kasama ang aking mga "old friends" na matagal ko ng hindi nakikita dahil nga may trabaho ako mamayang 8:00 ng gabi hanggang 5:00AM. Badtrip diba? At dahil nga sa kaarawan ko mamaya, makakasama ko si Irog. Dahil pareho na kami ng oras ng trabaho at pareho pa kami ng TEAM at TEAM LEADER. Ang saya diba?
Kagabi magkasama ulit kami ni Irog, nagkaroon ng munting salo-salo, alak at munting pagkain sa hapunan lang ang drama! Pero masaya na din, kasi kahit paano naidaos namin ng masaya at medyo nalasing na din ng konti. Ayos na yun. At higit sa lahat wala ng sasaya at gaganda pa na regalo kapag kasama mo na ang pinaka importanteng tao sa buhay mo. Hindi ko din naman kailangan ng magarbong regalo, isa lang ang gusto ko at hiling ko sa kaarawan ko, ang maging masaya at maging kontento kung ano ang meron ako. Simple lang ako na tao, mababaw ang kaligayahan, ang kaligayahan ko kasi ay hindi mabibili. Hay... Nakakapagod nanaman ang drama ko mamaya sa opisina. Sana maging "productive" ako mamaya sa TEAM ko. At sana marami ako ma "closed" na appointments sa mga clients na tatawagan ko. Para bongga! Kahit yun na lang ang regalo ni God sa akin. Please God help me out na makarami ako ng appointments mamaya. Hehehe..
HAPPY BIRTHDAY ULIT SA AKIN!!
Sunday, May 17, 2009
Wala pa akong tulog! Hay... Nakakapagod ang graveyard shift. Pero ayos lang, masaya naman ang TEAM namin kasi naka 10 ang team namin na appointment sa hawak namin na account ngayon. At syempre, masaya din ako kasi sa hindi inaasahan na pagkakataon naging magka TEAM pa kami Irog ko. AHA! eto yata ang unang nangyari sa buhay ko na meron ako na officemate na Irog ko at naging magka team pa kami sa isang CAMPAIGN! Ang saya!
Kahapon birthday ni Irog. Ayun syempre hindi ako invited. Hay, sino kaya sa mga naging IROG ko ang mag iinvite sa akin sa araw ng mismong KAARAWAN nila? Mukhang malabo yata mangyari kasi, wala ni sino man sa mga naging ex-irog ko ang nag invite sa akin. Kakahiya diba? Parang hindi nila ako IROG.
Kanina, pag uwi namin ni Irog galing sa opisina, naglakad nalang kami papasok ng subdivision at noong malapit na kami sa mga bahay namin, nakasalubong namin ang anak ni Irog sa pagkabinata kasama ang nanay ng ex-asawa nya. Alam mo nyo yung pakiramdam ng babae na halos wala nalang maiharap na mukha, na tipong naka tungo nalang. Nanliit ang tingin ko sa sarili ko. Alam ko kayong mga babae, alam ninyo ang nararamdam ko, mahirap ipaliwanag pero sa totoo lang ako ang nahiya sa sarili ko na walang mukha na maiharap. Parang ganito lang yan ka simple, "pumatol ako sa may anak sa pagkabinata, at latak na lang ang natira sa akin, na parang desperada na ako makahanap ng lalake at kay Irog pa ako umibig na hindi ko alam at maintindihan hanggang ngayon kung ano ako sa kanya. Ang hirap! hirap! hirap!! Kung minsan iniiyak ko na lang ang nararamdaman ko at madalas mangyari yan, hindi ko na lang sinasabi kay Irog kasi alam ko hindi din nya maiintindihan ang nararamdaman ko, lalake sya at babae ako. Magkaiba ang takbo ng isip namin.
Saturday, May 16, 2009
Muli akong nagbabalik para muling maglahad ng isang makatotohanan na kwento sa aking buhay pag-ibig.
Masayang masaya ako kanina bandang alas 2:00 ng umaga habang nasa opisina dahil alam ko paglabas ko ng opisina makikita ko ang aking irog. At para may konting kilig na drama, gumawa ako ng isang sulat na maigsi para kay irog. Isang sulat na may mensahe na "Maligayang Kaarawan, Irog". Masaya ako habang aking sinusulat ang hindi kamahalang surprise. Ngunit, sawi ako na maiabot ang surprise, bakit? Kasi hindi sya pumasok sa oras ng trabaho nya na kung tawagin sa call center ay "morning shift". Paglabas ko ng opisina, dali-dali ako nilabas ang telepono ako nag text ako, "bakit hindi ka pumasok?", sumagot si irog "kakagising ko lang kasi, masama pakiramdam ko". Hay.. nakakalungkot lang dahil hindi ko naiabot ang munting surprise.
At sa aking pag-uwi, nagmensahe ulit ako kay Irog na pauwi na ako. Biniro ko si Irog ng "pa kape naman sa inyo". At syempre hindi sya nagreply sa text ko na yun, nagpaka NO REACTION lang siya. Bigla akong nalungkot. Kasi nakasakay ako kanina sa jeepney nung tinext ko sa kanya na magpakape sya, lumagpas pa ang jeep na sinasakyan ko at sumakay ulit ako ng isa pang jeepney dahil nawala sa isip ko na bababa na pala ako sa kanto. At dahil nga sa NO Reaction si Irog sa aking text na magpa kape sya. Pakiramdam ko babaha na ng luha ang dinadaanan ko at ang awra ng aking mukha ay biglang nalungkot. At dahil nga sa nalungkot ako, na parang babaha na ng luha, naisipan ko na lakarin ko na lang mula kanto ng subdivision namin hanggang sa bahay namin. Hindi ninyo naitatanong, magkapit-bahay lang kami ni Irog. Habang naglalakad ako, aking i-tinext si Irog sa muling pagkakataon, sinabi ko sa kanya na "talagang ganun, hindi ako yung ex-irog nya na welcome bumisita sa kanila". Biniro ko pa sya sa text na "talagang ganun yata talaga, hindi kasi ako si Marinel at Lulu" na mga ex nya na anytime nakakadalaw sa kanya. Masakit sa akin kung masakit. Kasi parang napaka unfair. Hindi naman sa naghahanap ako ng kapalit sa mga nagagawa ko sa kanya. Ang sa akin lang ay nasasaktan ako. Kasi si Irog, welcome sya pumunta sa bahay namin, anytime maari nya gawin yun. Naisasama ko pa sya sa mga okasyon at naiimbihan ko pa sya kung meron salo-salo ang buong pamilya ko. Ginagawa ko yun kasi kampante ako sa kanya. Hindi ko lang alam kung kampante din sya sa akin. Minsan nga naiisip ko parang na one way yata ako ni Irog. Kasi napaka unfair nya. Madalas nga sabihin sakin ng isa sa mga malapit namin na kaibigan na TANGA daw ako. Madalas pa sabihin sakin ni Irog na ako daw ang unfair. Kasi ang mga ex ko pwede dito sa amin, wala naman ako nakita na pagkakaiba ng trato kay Irog at sa naging ex ko kasi malaya naman si Irog na mag stay sa bahay namin ANYTIME!.
Hindi ninyo din naitatanong na si Irog ay may "anak" sa pagkabinata. At ang anak nya ay kapitbahay lang din namin, at syempre ang ex wife nya kapitbahay ko lang din. Hindi sila kasal ng ex wife at may asawa na din na iba yung ex wife nya at meron na din isa pang anak. Sa totoo lang nahihiya ako sa sarili ko sa tuwing dumadaan at nadadaanan ko ang bahay ng ex-wife ni Irog. Pakiramdam ko nanliit ako sa sarili ko kasi pumatol ako sa may sabit. Sa akin wala lang yun, tanggap ko kung ano ang nakaraan ni Irog. Ganun naman talaga diba? Lalo na kapag umiibig. At dahil nga sa umiibig ako at minahal ko na din nakaraan ni Irog, lalo na ang anak nya na sobrang mahal na mahal nya. Napag isipan ko na ang anak na lang nya na si Phoebe ang beneficiary ko sa aking Life Insurance. Bakit ko naisip yun? Kasi minsang muntik ako mabuntis, sinabi sa akin ni Irog na "mas mabuti kung wag na lang muna" gusto nya na ipalaglag ko. Kung ako masusunod ayoko, ayoko kasi ayoko pumatay ng tao. At kung gagawin ko yun, habang buhay ko dadalhin na pinatay ko ang sarili kong anak na wala naman kasalanan. Sinabi ko din kay Irog na alam ko mahal na mahal nya ang anak nya, okay na din sa akin na mawala baby ko nung panahon na akala ko buntis ako. Sinabi ko din kay Irog na handa naman ako maging second mother ng anak nya.
Madalas ako umiiyak. Umiiyak kasi alam ko at nararamdaman ko sa sarili ko na hindi din magtatagal, mas lalo pa ako sasaktan ni Irog. Nararamdaman ko din kasi na hindi ako ang iniibig nya. Alam ko meron syang ibang iniibig sa nakaraan nya. Tanggap ko yun! Pero masakit, at nagpapakamartir ako kasi nga TANGA ako at NAGMAMAHAL lang ako.
Alam ko medyo naguluhan kayo sa kwento ko. Pero eto ang buhay ko. MAGULO.. BIGO..NASASAKTAN.. at NAGTATANGA-TANGAHAN. Pero mahal ko sya. At sya lang ang lalake na pinaglaban ko sa pamilya ko.
Saturday, May 2, 2009
matatagal tagal din ang huling post ko dito sa blog ko. medyo nagkaroon kasi ng problema. isang problema sa pamilya na hindi na kinakailangan pa na banggitin dito sa blog.
-o-
hay, malapit na pala ang ika-pitong buwan namin ng aking irog. at magaganap ang ika-pitong buwan sa mayo dose! aba! matatagal tagal na din pala. akalain nyo yun umabot ng pitong buwan. pitong buwan na puno ng pagdudurusa at kahit pagdurusa hindi na namin iniisip yun basta ang alam namin kung ano ang halaga ng namin sa isa't-isa.
ito pala ang kauna-unahang post ko na nagbanggit ako ng tungkol sa totoong irog ko. hindi ako masyado nagbabanggit ng tungkol sa kanya kasi baka sa isang saglit, hiwalay na. mahirap na! pero sige tutal nasimulan ko na, mag susulat na ako ng tungkol sa kanya. at ngayon bumalik na ulit ako sa mundo ng blogging, itutuloy ko na ulit ito.
totoo ang kasabihan na kapag ikaw iibig, hindi mo hahangarin ang kahit ano. kahit ano pa ang estado ng buhay ng irog mo tatanggapin mo sya at mamahalin mo. ganyan ang nangyari sa akin. ayaw ng aking mahal na ina sa kanya at syempre ayaw din ng mga kapatid ko sa kanya, pero pilit ko pa din pinagtatanggol ang irog ko, kasi nga umiibig ako. pero ang isang tanong ko sa sarili ko, magagawa rin kaya ng irog ko ang mga ginawa ko?
madalas kasi iniisip ko ang pag iibigan namin ay parang isang daan lang na parang lansangan. at hindi pang dalawahan. sa ingles.. "one-way" lang. mahirap diba? pero syempre umaasa ako na hindi nga ganun. at sana nasa isip ko lang yun. pero sabi ng nakararami ang paghihinala ng mga babae ay totoo. pero nagdadasal ako na sana hindi at mali ako.
p.s.
(bibitin ko muna kayo.. may gagawin muna ako..)
itutuloy ko ang blog na ito mamaya!
-0-
at dahil naudlot ang aking pagsusulat tungkol sa aking irunog noong nakaraang araw, eto itutuloy ko na.
eto ang aking mga nagustuhan sa irong ko:
1. masarap magluto! kahit ano ang ipaluto mo na pagkain, sisiw sa kanya!
2. naglalaba sya ng mga damit ko!
3. sobrang bait
4. cute
5. magaling na singer
6. magaling mag gitara
Tuesday, October 28, 2008
Isn't it amazing that George Carlin - comedian of the 70's and 80's - could write something so very eloquent...and so very appropriate.
--
The paradox of our time in history is that we have taller buildings but shorter tempers, wider Freeways , but narrower viewpoints. We spend more, but have less, we buy more, but enjoy less. We have bigger houses and smaller families, more conveniences, but less time. We have more degrees but less sense, more knowledge, but less judgment, more experts, yet more problems, more medicine, but less wellness.
We drink too much, smoke too much, spend too recklessly, laugh too little, drive too fast, get too angry, stay up too late, get up too tired, read too little, watch TV too much, and pray too seldom.
We have multiplied our possessions, but reduced our values. We talk too much, love too seldom, and hate too often.
We've learned how to make a living, but not a life. We've added years to life not life to years. We've been all the way to the moon and back, but have trouble crossing the street to meet a new neighbor. We conquered outer space but not inner space. We've done larger things, but not better things.
We've cleaned up the air, but polluted the soul. We've conquered the atom, but not our prejudice. We write more, but learn less. We plan more, but accomplish less. We've learned to rush, but not to wait. We build more computers to hold more information, to produce more copies than ever, but we communicate less and less.
These are the times of fast foods and slow digestion, big men and small character, steep profits and shallow relationships. These are the days of two incomes but more divorce, fancier houses, but broken homes. These are days of quick trips, disposable diapers, throwaway morality, one night stands, overweight bodies, and pills that do everything from cheer, to quiet, to kill. It is a time when there is much in the showroom window and nothing in the stockroom. A time when technology can bring this letter to you, and a time when you can choose either to share this insight, or to just hit delete...
Remember; spend some time with your loved ones, because they are not going to be around forever.
Remember, say a kind word to someone who looks up to you in awe, because that little person soon will grow up and leave your side.
Remember, to give a warm hug to the one next to you, because that is the only treasure you can give with your heart and it doesn't cost a cent.
Remember, to say, 'I love you' to your partner and your loved ones, but most of all mean it. A kiss and an embrace will mend hurt when it comes from deep inside of you.
Remember to hold hands and cherish the moment for someday that person will not be there again.
Give time to love, give time to speak! And give time to share the precious thoughts in your mind.
AND ALWAYS REMEMBER:
Life is not measured by the number of breaths we take, but by the moments that take our breath away.
-George Carlin-
Tuesday, September 30, 2008
Isang umaga gumising ako na hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako hindi mapakali,na parang may gustong isipin pero wala naman. Ano na ba ang nangyayari sa akin? Hanggang ngayon ganun pa din ang nararamdaman ko.
Naranasan nyo na ba ang ganitong pakiramdam. Kailangan ko ng kasagutan kung ano man itong gumugulo sa akin. Hindi ako dati ganito. Pero lumalala ang pagiging balisa ko. Ewan ko ba! Naiinis na ako. Ano ba ito!!! Hindi ko din alam kung ano ang tamang term sa ganitong pakiramdam. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi kaya baliw na ako. Hay naku, patayin nyo na lang ako pleeeasee. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Nahihirapan ako sa pag intindi kung ano ba ako ngayon.
Tuesday, August 19, 2008
anong numbero ka? ako numero quatro
You Are 4: The Individualist |
![]() You are sensitive and intuitive, with others and yourself. You are creative and dreamy... plus dramatic and unpredictable. You're emotionally honest, real, and easily hurt. Totally expressive, others always know exactly how you feel. At Your Best: You are inspired, artistic, and introspective. You know what you're thinking, and you can communicate it well. At Your Worst: You are melancholy, alienated, and withdrawn. Your Fixation: Envy Your Primary Fear: To have no identity Your Primary Desire: To find yourself Other Number 4's: Alanis Morisette, Johnny Depp, J.D. Salinger, Jim Morrison, and Anne Rice. |
Monday, August 4, 2008
pakiramdam ni pipita
masayang masaya ako ngayon! kasi ang dami kong stocks na films for next week!!! yahooo!!!
sana maging maayos na ang panahon sa sabado para makapunta ako ng UP DILIMAN at makapag shoot na! at speaking of UP... missed ko na ang kumain ng isaw sa may ilang ilang.. at syempre missed ko na din ang MANG JIMMYs, lalo na ang beach house sa may sunken garden.
Saturday, August 2, 2008
angel at ako. hay naging magkaibigan na kami nito simula pa college days, at hanggang ngayon ganun pa din kami,kagaya ng dati walang pagbabago. nagkaroon man kami ng hindi pagkakaunawaan dati, tampuhan... pero tignan ninyo maganda pa din ang samahan namin. at kahit gaano man kami kagal di nagkita alam namin na wala pa din magbago sa samahan namin. siguro kung meron nagbago eh tumanda na kami. naniniwala din ako na aabot ang pagkakaibigan namin hanggang maging ugod-ugod na kami. si angel ang naging sandalan ko noong mga araw na nagkaroon ako ng matinding problema sa punyetang puso! sya ang umalalay sa akin, nakinig, at nagpalakas ng loob ko na lumaban.. kaya Gel, kung mababasa mo ito. Thank You!
Tuesday, July 15, 2008
Ano ba ang nagpapalakad sa buhay natin araw-araw?
Paano tayo kumakain?
Paano tayo nagkakakuryente, tubig, internet?
Ang lahat ng iyan ay dahil sa "salapi" kung wala ang salapi wala tayo lahat nito. Sabihin ninyo na na mukha akong pera, pero sa totoo lang kung wala tayong salapi, kwarta, anda (sa salitang bading), o mas kilala sa tawag na pera, hindi tayo mabubuhay.
Nakakainis at nakakasawa ng manood ng balita sa telebisyon, lalo na kung ang topic ay tungkol sa pagtaas ng mga bilihin, kawawa talaga tayong mamayang Filipino diba? Ang gasolina, sobrang mahal! Hindi na healthy ang PILIPINAS!!! Puro na lang kurakot! Kurakot dito, kurakot doon.. Pati ang simpleng POST OFFICE dito sa bayan ko, kinukurakutan pa ako. Nakakainis. Lalo na last week. Nang magpunta ako ng post office para bayaran ang tax dun sa package na pinadala sa akin, letche talaga! ang mahal ng siningil sa akin na tax eh naka declared naman dun sa package na "regalo" yun, and take note 2nd hand pa yung regalo na yun ha! Ang kapal kapal pa ng mukha ng mga tao sa post office, nanginginig pa mga kamay nila noong naglabas ako ng pera para bayaran ko ang tax, at take note ha! tumatawad ako, ayaw babaan ang singil nila sa akin. Ayaw nila bawasan yung tax kasi daw "lugi" daw sila. Ang kapal talaga ng mukha. At sila pa ang matapang! mga bastos pa. Kaya naman ang Lola Pipita ninyo hindi pumayag na taray-tarayan lang, aba syempre! ako papayag? HELL NO! Nang lapitan ako ng isang staff sa post office, tama ba naman na pagtaasan ako ng boses at pandilatan ako ng mga mata. Ang kapal ng mukha diba? At ang panabog kong mga salita at eksena eto: (alam nyo yan eksenadora ako)
Staff: (nanlalaki ang mata ng lumapit sa akin at ang boses galit) anong problema
Pipita: kukunin ko po yung parcel
Staff: (pinandilatan na ako ng mata at galit pa ang boses nya sa akin) anong pangalan
Pipita: Pipita y Dalaga po.
Staff: bakit hindi Pipita y Dalaga ang pangalan na nandito sa package? Pitay Dalaga ang nakalagay dito?
Pipita: at bakit mo ako pinandidilatan ng mga mata? kakainin mo ba ako?
Staff: ma'am hindi po, sorry po. hindi po ako sa inyo nakatingin ng masama
Pipita: bakit parang galit ka?
Staff: hindi po ma'am, dun po ako nagtataas ng boses sa kasama ko hindi po sa inyo.
Pipita: eto yung drivers license ko, nandyan nakalagay yung complete address ko at fullname ko. hindi ko kasi nadala yung notice card na pinadala nyo kasi ningat-ngat ng aso namin. saka ang babastos nyo, hindi kayo marunong gumalang.
Pipita: (pabulong kong sinabi sa sarili ko) tigas ng mga mukha nyo!
At ang ending hindi pa din ako naka discount sa tax. Kahit nagtaray ako. Bwiset talaga! Nagsuot na ako ng pangmahirap na damit, taena! wa-effect pa din! ayaw talaga. At ng makuha ko na ang package ko, agad kong binuksan ang package sa mga pagmumukha nila dahil gusto ko makita kung may damage ang item ko. Nag alalala kasi ako kasi baka nabasag yung items (lense ng camera at isang camera na CANON na delikado din ibagsak kasi baka malfunction) kitang-kita ko din kung paano barubalin ng mga tao sa post office ang lahat ng package sa kanilang opisina. Kapal ng mukha diba? Tapon dito tapon doon, na parang ginagawa lang na bola ang mga kahon na kanilang mahawakan. Kung may charge lang sana cellphone ko nun araw na yun, malamang na video ko pa ang mga pinag-gagawa nila, at bingo sila kapag nireklamo ko sila. Mataray talaga ako, at kapag may hindi ako nakitang maayos at tinatarayan ako, bingo ka sakin! Dahil tatalak din ng bonggang-bongga ang Lola Pipita ninyo.
Okay mabalik tayo sa salapi.. Nabanggit ko kanina na hindi na maganda ang takbo ng lahat ng mga nangyayari dito sa Pinas. Una sa lahat, alam ko din na alam ninyo na hindi sapat at talagang kulang ang sweldo ng lahat ng mamayang Pinoy na nagta-trabaho dito sa ating bansa. At sa tuwing sahod naman, lahat ng pinaghirapan ng kawawang Pinoy eh napupunta lang sa mga bayarin sa Kuryente, tubig, renta ng bahay (sa mga nangungupahan), pambili ng pagkain, petroleum gas (para sa kalan). Sa totoo lang kulang na kulang ang sahod at ngayon naman nagtaas na ng presyo sa pamasahe ang mga jeep, bus, taxi, MRT, LRT atbp.. At kung mabisyo ka pa, isama mo na din ang pangyosi mo, pang droga mo, pang inom mo, pang chicks mo o panlalake mo sa iyong salary na kung tawagin eh (misc. kung nung nag-aaral ka pa), kulang diba? At kung nagbabayad ka pa ng SSS, philheath, wala ng matitira. Makakaipon ba tayo ng pera para makaangat? Sa tingin ko napakalabo na. Kawawa naman talaga tayong mga Pinoy.
Sa totoo lang mayaman na sana ang bansang Pinas kung kakaunti lang ang mga nagpapalakad sa ating bansa (kagaya ng nabanggit ko sa nakaraang journal ko), pero grabe kung lumustay ng pera ang bansang Pinas lalo na ang ating Gobyernong bulok! Yang mga punyetang meeting-meeting keme ng mga senador na yan, eh malamang tayo din na mga Pinoy ang nagbabayad nun, pati ang mga magagara nilang mga sasakyan lahat yun pera ng mga mamayang pinoy. At ang "tax" kuno sa gasolina, pinaghahati-hatiian lang nila yan. Ewan ko pa bakit sobra ang kurakot dito sa Pinas. Sa Singapore naman, mataas ang tax pero maunlad ang kanilang bansa, sana ganun din dito sa Pinas. Pwede naman yun diba? Yung meron tayong makikita na magandang pagbabago! kaso wala!, meron nga mga pagbabago, dagdag sila ng dagdag ng mga kung anik-anik sa kalsada kagaya ng mga skyway chuva-chuva na yan, pero inuutang din naman nila. Grabe na talaga! Hay.. Ayoko na dito sa Pinas.. nakakainis. Pero mahal ko ang Pinas. How i wish matigil na ang kurakot, as in.. hmm..
KURAKOT = HAKOT (ABA! MAGKATUNOG NA MAGKATUNOG.. ) eh kung samahan ko pa kaya ng ganito:
KURAKOT + HAKOT = KURHALITIKA (KURAKOT HAKOT POLITIKA) napansin ninyo pula ang nilagay kong kulay sa font? dahil ang ibig sabihin niya eh galit ako. totoong galit ako kasi wala ng natitira sa na pera para sa akin buwan-buwan!!!
tumawa na ang gustong tumawa sa ginawa kong conclussion o theory! walang pakialamanan, eto lang ang aking opinyon o ginawang pormula sa mga napapanood ko telebisyon. saka karapatan ko din ang magsalita o ilabas ang aking saloobin. MABUHAY SI PIPITA!!! (LOL)
Naiinis talaga ako kasi.. Hindi ko na din alam kung saan napupunta ang lahat ng pera ko. Kung sa mga grocery bills ba, service charges, o taxes? Malamang sa KURHALITA GANG. Bwiset talaga!! Tapos ngayon, ako na magbabayad ng internet bills, starting next month (pagdating ng bagong bill ngayon) Bwisssssset!!! Ako na nga sa groceries, minsan ako na nga din nagbibigay ng pera sa mga "vatugans" kong mga kafatid.. hay. letch talaga. Eh sobrang mga antipatika pa naman mga kapatid ko, mga maldita.. sobra! mababait lang kapag may mga kailangan, at kahit kailan hindi pa marunong mga gumalang, knowing na ako ang panganay tapos minumura ka pa. Pero ganun talaga ang buhay.
Teka, mabalik tayo sa pera, sweldo, etc.. Kung ako na ang magbabayad ng internet bills, groceries. Paano ko pa maayos ang plano kong business kung ganun ang mangyayari. Sino hindi maiinis, divah? WALA NA TALAGANG NAPUPUNTAHAN ANG PERA NGAYON DITO SA PINAS. KULANG NA KULANG NA TALAGA....
At ang gasolina, taena!! nakakagigil talaga. Kung talagang nalulugi ang mga BWAKA NG FROG NA MGA OIL COMPANIES na yan, edi magsara sila. One time lang! Try lang naman. Saka dapat wala ng tax yang punyetang gasolina na yan. Kasi obvious naman na ang daming mga motorista ang ng gasolina sa mga oil companies na yan. Wish ko lang mawala ang inis ko ngayong araw na ito. Basta sa araw at gabing ito, masama ang loob ko! sobrang sama!!!!!
ANG PERA NI PIPITA, NAPUPUNTA SA WALA.. HOW I WISH WALA NG VICE PRESIDENT, SECRETARY, AT MASYADONG MARAMING SENADOR!!
Eto ang aking listahan kung ako ang mamumuno ng Pilipinas:
- Isang Presidente ng Pinas
- Isang Mamumuno sa Luzon
- Isang Mamumuno sa Visayas
- Isang Mamumuno sa Mindanao
- Tama na ang 5 senador
Kaya dapat.. VOTE PIPITA for President!!! (keme lang.. nagpapatawa lang ako ng corny para mawala ang badtrip ko) Pero promise.. badtrip talaga ako... nakakainis....... nakakasawa na.
pahabol:
PARA SA MGA NAKA UPO AT MGA NAMUMUNO SA PINAS, MAKINIG KAYO!
MAKARMA SANA KAYO!
MAY ARAW DIN KAYO KAY PIPITA!!!
Wednesday, July 9, 2008
.jpg)
Sa totoo lang mahilig talaga ako sa kanin at ulam, pero since sinabi ng isa kong kaibigan na si Jerome na sobrang mga "carbs" ang mga paborito ng lola ninyo, susubukan kong huwag kumain ng kanin sa dinner. Subok lang ha, kasi alam ko naman na malabo mangyari na puro dahon ang kakainin ko. Hindi kasi ako nag-aalala sa health ko, kagaya ni Jerome na super mahal nya ang health nya, lalo na ang katawan as in! Ako pa naman kapag may nakalatag na mga lafong sa harapan ng lola nyo, naku lafong kung lafong akei! lamon!! Ganun ako katakaw pero hindi ako tumataba, puro mukha lang ang tumataba sa akin. Hay naku dapat na talaga ako mag diet! para pagdating ng September this year, eh slim na ulit ako. Para makapag suot na ulit ako 2pc bikini! Parang ganito..

"WALANG NAG RE-REACT HA! DAHIL ANG MAG RE-REACT SA KATAWAN KO "TUTUBUAN NG "NANA" SA NOO!" alam ko hindi nyo bet yun. dahil kadiri. hehehe
Saturday, July 5, 2008

sumpa: ang sumpa sa mga taong kokontra, mababaog! keme! hehehe
ANG AKING REAKSYON: Sa totoo lang yung hugis ng mga mata akin yan! at ang matabang mukha sa akin din kinuha.. hehehe walang aangal ha! larong adik lang. Kayo din try ninyo to! astig! sarap mag trip..
Ngayon naman, aking ipapakita sa inyo ang itsura ng aming magiging anak kung sakili na magkatuluyan kami ng bowa ko. hehehe nakakaaliw pag tripan ang ganitong klaseng bagay kapag high ka sa kape at yosi.. Tipong daig mo pa ang naka droga mag trip. hehehe. Oo nga pala bago magkalimutan eto na yung kinalabasan nung litrato namin ng bowa ko at ang itsura ng magiging anak "kuno" namin.

ETO NA NAMAN
Naku eto nanaman po ang pagiging adik ko, nagsimula ng pumasok sa mga ugat ko at kalamnan ko ang 2 basong kape. Naku baka mamaya ano nanaman ang maisipan kong gawin. hay.. grabe! hindi ko na talaga mapigilan sarili ko mag kape! kaninang umaga isang baso na ng kape ang ininom ko, tapos sa tanghali isang baso ulit, at pagdating ng hapon mga 3pm nag kape ulit ako, at ngayon kakatapos lang din ulit magkape mga 7:00pm? tingin ko hindi na ako normal. Kaya eto puro mga kaadikan na ginagawa ko. AYOKOOOO na mag kape pramis. kaso hindi ko mapigilan. Heeeeeelp!
Sunday, June 29, 2008
Friday, June 20, 2008
Hay grabe! Sobrang init talaga dito sa Manila. Nakakainis ang panahon! Uulan tapos aaraw, sabi nga ng isa kong kaibigan "epekto daw yan ng "global warning" o diba? bongga!! global warning. Natawa ako nung sinabi ng friend ko yan. Sabi ko sa kanya, "anong global warning? baka global warming" at ang sagot ng bakla, "oo, yun nga!" o diba? ang taray!! May sarili syang dictionary? hahaha.
Kung gusto nyo pa matawa, eto bibigyan ko kayo ng mga mas nakakaloka na anik-anik na karatula na 100% tatak pinoy.

TOP 3 "WARNING MEN OF WORK"

Well, hanggang ngayon iniisip ko pa din kung paano mag park ng kotse ng vertical? As in patayo ba? ewan.. Hindi ko alam kung pilosopo lang ako, pero ang wierd talaga.. uhmmm. vertical??!! Kayo paano ba ang vertical parking?
TOP 1: BUBBLE GUM

Huh? ano daw??!! ang labo.. hindi ko talaga maintindihan 'to... "if the bubble gum failure to outside from the machine please ask the cashier inside.."naku hindi ko talaga maintindihan kahit ilan beses ko basahin 'to. nakaka praning!!!! hindi ko talaga maintindihan.
Sunday, June 15, 2008
June 14 ng 9pm
Umalis ako kasama ang 3 kapit bahay ko, sila Jerome, Paula, Bernard at ang aking kapatid na babae. Pumunta kami ng Antipolo dahil marami kami dapat ayusin na mga bagay bagay na nauwi sa hindi maganda ang pakay. Since hindi kami nagtagumpay sa aming mga plano ang ending ay tumambay na lang kami sa Mc Donalds's Marcos Highway, kain ng konti, kwentuhan, at yosi. At sa aming pagtambay doon, hindi namin naiwasan ang manglaet ng mga tao kagaya ng;
1. tignan mo yung guy ang gwapo kaso ang pangit ng girlfriend nya.
2. wow, eto gwapo kaso mukhang bading. sayang!!
3. ang ganda ng skin nung isang yun tignan mo, sana naging skin na lang sya.
4. astig yung kotse nito, worth 7 Million na MB.. wow mayaman! kaso panget ng guy parang nanalo lang sya sa lotto or something, mukha pang katulong yung kasama nya.
5. aba! bakit pare-pareho suot ng 3 babae na naglalakad? baka sasayaw.. hehehe
6. ganda ng damit ng girl, kaso lang mukhang ma porma lang, pero kung ako magsusuot ng ganyang ka seksi na damit, putcha! hindi ako mag je-jeep! magdadala ako ng kotse!
7. yung naka red dun sa loob akala ko gwapo hindi pala. gwapo lang pala sa malayo.
8. pangit mag damit nung isang girl na yun, sayang maganda pa naman.
Hay naku, ilan lang yan sa aming mga napuna sa mga tao kagabi. Kakatawa diba? Oo alam ko masama manglaet ng tao pero minsan katuwaan lang para ba may tawanan at mapag libangan lang. At sa aming sandaling pagtambay sa Mc Donalds, may nakita din kami na banggaan. At syempre para maiba ang usapang laetan, ang banggaan naman ang aming topic. Noong nakita namin ang banggaan, wish namin sana may sapakan para live! Kaso walang naganap na sapakan, kaya medyo nalungkot ako, walang thrill.
Well, naka 2 oras din kami nasa Mc Donalds, sa 2 oras na iyon, meron pa kami napagtripan, yung isang waiter dun. Nakakatawa kasi tinawag namin sya at tinanong anong number mo? Like ka daw kasi ng isang kasama namin, Naku! nakakawindang, ang waiter super bigay naman sya ng number nya 0927-blah-blah-blah, mukhang ewan lang! at kinilig pa si gago, eh nag ti-trip lang namin kami. Pero sa totoo lang gwapo at makinis ang kutis ng waiter ha, wag mo lang papakinggan ang boses nya kasi may bicol accent sya, meaning to say hindi nanaman perfect.
Sa aming pag-uwi, habang nag mamaneho ako ng kotse, napag usapan namin ang salitang perfect. Lahat ng mga na-observed namin sa 2 oras na pagtambay sa Mc Do ay hindi perfect! Sabi ko naman oo wala talagang perpekto dito sa mundo si God lang. Sabi naman ng isa kong kaibigan ni Paula "yung waiter, gwapo kaso lang panget sya magsalita, sayang" at ang sagot ni Jerome kay Paula; "kung gusto mo ng maganda magsalita, si Mike Enriquez... kaso lang panget mukha nya, malaki pa yung ilong." hehehe (tawanan kami sa kotse). Nakakatawa naman kasi talaga eh. Tapos nauwi pa ang usapan sa pagpili ng boyfriend, sabi ni Jerome, "alam nyo kung gusto nyo ng perfect na bf.. edi gawin ninyong boyfriend si God! Yun perfect yun!. Sa totoo lang nung narinig ko 'to kay Jerome, naisip ko gawin yun? Gawin kong boyfriend si God sa puso ko. Uy, wala akong plano na mag madre ha! Pero sa totoo lang parang ang hirap gawin. Hindi ko alam paano ko sisimulan. Ang hirap talaga. Hay...
Monday, June 9, 2008
UPDATE:
Mas lalo akong magiging masaya kung magkakaroon ako ng ganito:

PHP2,000 ang halaga ng HOLGA 120N, sa Hidalgo (sa quiapo). Kaya lang kailangan mong magpa-reserve, kasi nga sobrang mabenta ang camera na ito lalo na sa mga adik sa lomo at isa na din ako dun! magkakaroon din ako nyan, hopefully, next week. At sigurado ako papagalitan nanaman ako ng mom ko, hehe. Sigurado din ako na sira ang budget ko sa mga film camera ko. Minsan nga gusto ko na lang gumamit ng DSLR. NIKON D40x! yahoo!! mahal nga lang, siguro mabibili ko yung lintik na nikon na yan kung hindi na ako kakain, at bonggang pagtitipid ang gagawin ko. Well, anyway.. maligaya na din ako kasi maganda naman ang CANON EOS V1 ko, salamat sa boyfriend ko. Thank you talaga! Ang bait mo talaga sana kunin ka na ni God. Joke!
Friday, June 6, 2008
THE OLD SPAGHETTI HOUSE (libis)
Niyaya ko ang isang kaibigan na kumain sa "The Old Spaghetti House" kanina. Natuwa ako kasi matagal na akong hindi nakakain dito, at ang una kong napansin sa pagpasok ko dito sa may pintuan nila ay "SAVE RICE, EAT SPAGHETTI" noong nabasa ko ang nakapaskil sa kanilang pinto, naisip ko na gawin yun! Well, tutal naman mahilig ako sa pasta, at alam ko kaya ko gawin yun, bakit hindi diba? hehehe. Grabe! busog na busog ako kanina sa mga kinain ko, ganun din ang kaibigan ko. At alam nyo ba kung kailan ang huli kong kain dito? shucks! 2004 with my ex-boyfriend pa, at natuwa naman ako kasi nakakain din ulit ako sa wakas!!! Kaya lang medyo naisip ko sya at medyo na missed ko din sya ng slight... hehehe. sana lang masaya na sya ngayon,, oopss.. bitter... hehehe
FOR RENT CONDO/ STUDIO TYPE CONDO...
Oo naghahanap nga ako ng for rent condo (studio type o kahit may 1 bedroom okay na). Sa aking pagmamaneho, may mga nakita ako na mga lugar, maganda at maganda din ang kanilang rate buwan-buwan. At isa sa aking nagustuhan ay ang yung condo unit na may 3 br, 2 t&b, living area, balcony, kitchen, may aircon yung 2 room, may tv, may ref, cabinet basta fully furnished na at syempre pwede pa mag swimming ng libre! Gustong-gusto ko ng kunin may kamahalan nga lang. Sabi ko sa kaibigan ko, kukunin ko yung unit at paparentahan ko yung 2 kwarto para may housemate ako, o diva parang Big Brother House lang?? Hehehe kaya lang naisip ko na baka mamaya yung mga makuha ko na housemate/s eh mga burara, makalat sa bahay, ayoko naman ng may ganun na kasama, lalo na kung malikot ang kamay. Mabuti na din ang nag iingat. Kaya naisip ko na studio type nalang ang kukunin ko. Mas okay kasi kung ako lang ang mag isa, atleast kaya ko mapanatili na malinis ang lugar ko, may privacy pa ako at wala pang mawawala na mga gamit ko.So sobrang depressed ko na makakita ng studio type condo, napabili ako ng buy and sell na dyaryo sa mercury drugs.At Pagkadating na pagkadating ko ng bahay agad kong binuklat ang dyaryo at binasa ang mga listahan ng for rent condo sa mandaluyong area o pasig. May mga nakita ako, at malamang pupuntahan ko ang mga nakita ko dito next week. Mahal at alam ko hindi pasok sa budget ko yung iba pero yung iba okay lang, at sana sa aking pagbisita next week sa napiling lugar eh meron ako magustuhan, medyo pihikan din kasi.
Pagkatapos namin ng aking kaibigan na maghanap ng for rent condo...Naisipan ko naman ang mag grocery ng wala sa oras. Nakakatawa diba? Sa aking pamimili marami din ako natutunan. Mahirap pala ang mag budget ng pera. Naku!! paano na kaya kung independent na ako at halimbawa nasa ibang bansa ako? So para matuto, sinubukan ko mamili, practice lang! syempre kasama ko pa din kaibigan ko. Ang sabi ko sa kaibigan ko, PHP1000.00 ang budget ko na pang grocery, pero noong nasa cashier na kami at magbabayad na ako PHP750.00 lang ang lahat ng aking pinamili. Wow!! Sabi ko sa kaibigan ko, ang galing ko na pala mag budget. Eto ang mga pinamili ko:
* 1 galon na mantika
* gulay (kangkong, carots, okra, patatas, onion, kalamansi)
* 1 kilo na liempo na baboy
* 1 buo na manok
* 2 toothpaste (colgate)
* 1 kilo hotdog
* pineapple (fresh)
* 4 reno, 4 meat loaf (para sa mga aso ko)
* fresh na tinapay (from gardenia)
* 1 toner (skin white)
O diba? akalain nyo lahat ng iyan PHP750.00. Nawindang pala ako nun nakita ko ang presyo ng bigas, grabe ang mahal na pala.
MALAHAGA ANG 10 SENTIMOSNatutunan ko na din na mahalaga din ang bawat sentimos. Kaya naisipan ko na itago ang lahat ng mga sentimos na madalas isukli sa aking sa mga binibilhan kong groceries at department store. Wais na ako ngayon! Saka ngayon at simula ngayon, hindi na ako papayag na hindi ako suklian ng mga binibilhan ko, halimbawa kulang ang panukli ng SM Hypermarket ng 20 sentimos, naku kukunin ko talaga, hindi na pwede yung sagot na "okay lang..." hay, bakit sa kanila ba, okay lang ba na magkulang tayo ng 20 sentimos na pambayad sa kanila, so para pantay ang at maayos ang usapan walang ng "okay lang factor".. Kaya magtipid! at talagang magtitipid na ako. Iwas na din ako sa pag sho-shopping every 2 weeks. Naku mahal na ang lahat dito sa mundo noh!. Saka minsan naisip ko na mag commute na lang kung may pupuntahan ako, hay ang mahal na kasi ng gasolina!!! at kung magdadala pa ako ng kotse dagdag gastos sa gas at parking fee/hour, hay!! doble-doble na ang babayaran, ubos nyan pera ko at masisira pa ang budget ko for the whole week or month. How I wish may pag-asa pa ang Pilipinas na maka bangon, pero sa tingin ko malabo ng mangyari yun. Palpak kasi ang mga nagpapalakad dito sa ating bansa! Masyadong maraming magagaling, at mga nakaupo na nagpapalakad ng "anik-anik... " hehehe. O sige hanggang dito muna, kasi hahaba na ang usapan kapag nagsulat pa ako ng tungkol sa ating gobyerno.
Wednesday, June 4, 2008
BALAGBAG FALLS Isa sa mga nakatago at hindi pa natutuklasan na puntahan ng mga tao, malamig ang tubig at maganda ang "view", very nature talaga. Para sa akin isa na itong paraiso! Isa din ito sa ipinagmamalaki ko na lugar na talaga naman dapat makita ng mga tao.
Alam nyo din ba na yung nakikita nyo na falls sa unang palapag ay "talunan" ng mga gusto tumalon. Kung ako ang tatanungin nyo, gusto ko talaga tumalon dyan kaso hindi ko pa kaya at natatakot pa ako na baka mamaya pagtalon ko sa tubig hindi na ako lumutang, mahirap na din kasi hindi naman ako magaling lumangoy at sobrang malalim daw ng babagsakan mong tubig. Hayaan nyo babalitaan ko kayo at isusulat ko kaagad dito sa aking "blog" kapag nagawa ko ang pagtalon dyan sa falls na yan.
Ito naman ang view ng Balagbag Falls sa itaas. Oo dalawa yung falls na yan isa sa ibaba at isa naman sa taas. Kung ako ang tatanungin mas maganda ang view sa itaas. Hay ang sarap ng tubig dito! Sarap pa itapat ang katawan sa tubig habang bumabagsak, parang minamasahe ka lang pero kapag sobrang nakababad ka na sa tapat ng falls masakit na din sa katawan. At take note! meron din mga tao na malalakas ang loob na inaakyat ang tuktok ng falls na ito grabe talaga, alam nyo kung maipapakita lang ang Balagbag Falls sa sports unlimited naku baka akyatin pa yan ni fafa Marc Nelson.
Maraming beses na ako nakapunta dito sa Balagbag. At sa bawat bisita ko meron din mga konting mga pagbabago. Inaayos na kasi nila yang falls na yan. Noon ang entrace fee nila PHP5.00 lang, tapos naging PHP10.00, at ngayon PHP20.00 na. Ok na din yung entrance fee nila. Sulit naman kasi pagnakita mo. Ang galing galing talaga ni God kasi nakalikha sya ng ganitong klase na mga paraiso ang ganda ganda! Paano pa kaya sa langit, siguro mas maganda doon.
Matanong ko nga kayo, ano ang naiisip nyo kapag nakakakita kayo ng falls? Ako kasi kapag nakakakita ako ng falls, ang naalala ko lang ay ang "okay ka fairy ko" ni Vic Sotto at Alice Dixon o ni Tweety De Leon. Pakiramdam ko talaga may mga diwatang nakatira sa mga ganitong lugar.
Tuesday, June 3, 2008
Potograpiya isang nakakalibang, nakakaaliw, nakakaadik, at kung ano-ano pang nakaka! Matagal na akong nahumaling sa pagkuha ng kahit anong bagay, tao, scenery, at ng kung ano-ano pa gamit ang aking camera.Ang larawan na inyong nakikita sa taas ay isa sa aking mga obra(naks! feeling pro) na kuha sa Baguio. Kuha ito isang hotel kung saan kami nag "stay" kasama ang aking pamilya (2 kapatid ko, dad, and mom ko). Madalas sinasabi ng mom ko sa aming dalawa ng aking dad na wala daw kami mapapala sa pagkuha ng litrato, gutom daw at nag aaksaya lang daw kami ng pera. Naku kung alam lang sana ng mom ko ang pakiramdam kapag nakakakuha ka ng isang maganda litrato, hay parang heaven ang pakiramdam. Para sa amin ni dad, isang award na yun! kung baga sa mga sumasali sa mga contest "panalo" naku ha with matching effort talaga sa pag kuha ng "subject" ang isang potograper, sana lang alam ng mom ko yun. Mabuti pa ang bunso kong kapatid naiintindihan kami sa aming mga bisyo. Paanong hindi nya kami maiintindihan, kasi yung manliligaw ng kapatid ko ay isa din adik sa potograpiya.
PETRONAS TOWER
Ito naman ang aking kuha noong minsan nagpunta ako ng Kuala Lumpur. Too bad kasi hindi ako nagtagal doon, 1 1/2 araw lang ako nag stay kasi kailangan ko bumalik ng Manila. Nakakainis kasi hindi ako masyado nakapasyal. Sabi nga ng mga kaibigan ko
kaibigan 1: uuwi ka na?
ako: oo, kasi may trabaho ako.
kaibigan 2: sayang naman yung pinunta mo dito kung uuwi ka kaagad. parang cubao lang ginawa mo.
Oo. Nag aksaya nga ako ng pera nun nagpunta ako ng Malaysia, kasi ba naman para akong sira na ang usapan namin ng mga kaibigan ko 1 week kami mag stay, nangyari umuwi agad ako. Nakakainis nga kasi nadoble mga binayaran ko sa ticket. Yung 2-way ticket na binili eh hindi pala pwede palitan yung petsa pabalik ng Manila kaya bumili ako ng isa pang ticket na KL-MANILA, kainis din kasi boss ko tinakot nya ako na kapag hindi ako pumasok tatanggalin nya ako sa trabaho, wala talaga akong choice kundi ang bumalik mag-isa ng Manila. At hulaan nyo ano ang pinag gagawa ko sa Malaysia? Nagpaluto ako ng pork sinigang sa aking kaibigan. Ang corny diba? Hay naku hindi na yata mawawala sa listahan ko ang kumain ng pork sinigang kahit saan lugar ako magpunta (kahit international pa, as in!!) dapat may sinigang! Yun din kasi ang numero unong paborito namin na ulam na magbabarkada. Pero natuwa naman ako kasi nakita ko ang Petronas Tower at nakunan ko ng maganda ang dating tallest building in the world, saka nakapasyal din ako sa Genting Highland, Batu Cave, sumakay ng cable car, at nag roadtrip dala ang kotse ng husband ng aking kaibigan at syempre papahuli ba naman ang gmick.. hehehe.. Nakakapagod yung weekends ko ha! Biruin mo, Saturday ng umaga ang flight namin Manila - Kuala Lumpur, tapos lunes ng umaga sa Malaysia, nasa airport na ako, 6am yata yung flight ko nun pabalik ng Manila, at dapat 3 hours before ng flight nandun na ako sa airport ng Malaysia para mag check-in. Mukha akong tanga mag isa sa airport ng Malaysia walang kausap, kaya ang ginawa ko na pampalipas oras; nag kape ako sa mc donalds at timingin-tingin ng pwede ko mabili sa duty free, at syempre bumili din ako ng something lang para sa boss ko, "sipsip effect" or suhol, para di mapagalitan. At take note ha! Pagbalik na pagbalik ko ng Manila,larga na! TRABAHO na agad, sabi ng mga kaibigan ko at officemates ko, ang lakas ng powers ko kasi wala daw ako jet lag, sus anong wala, puyat kaya ako galing ng gimikan sa siyudad ng Kuala Lumpur, ala-1 ng madaling na kami nakabalik nun sa condo ng kaibigan ko, tapos umalis ako ng condo ng 2 am, 3 am airport na ako, sino kaya hindi pagod? Adik din sila diba?
Monday, June 2, 2008
Ano kaya kung may computer at internet access sa langit, naku sigurado ako mas madali na tayong mga tao na makikipag-usap kay God bukod sa pagdadasal. Alam ko effective ang paraan ng pagdadasal pero mukhang mas mukhang mas effective yata kung may computer at internet nga sa langit. Halimbawa na lang kung malaki ang problema ng isang tao at walang makausap, sa pamamagitan ng computer at internet, instant na natin makakausap si God thru chat at emails, at ilang segundo o minuto lang instant response na. Pero kung ganito kagaya ng nasa litrato sa taas ang office ni God at ganito ang madalas nyang ginagawa hala! masasagot kaya nya isa-isa lahat ng mga gusto syang makausap? Sa aking pananaw, hindi imposible lahat, alam ko kaya nya kasi sa araw-araw ba naman iisipin mo na paano kaya nagagawa ni God na pakinggan ang lahat ng mga dasal natin, at take note iba't ibang lengguwahe pa at kayang kaya nya. Napaka powerful talaga ni God. AMEN